Hannah’s POV
***
“Harmless naman ‘yan baby. Wag kang matakot.. Haha.” Tignan mo nga naman ang mga lalaki ang hilig hilig magbiro ng ganyan, nakakainis lang ah.
“Di nga kasi ako natatakot!” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo kanina ko pa ako kinakabahan na hawakan ‘yun.
“Dali na baby! Deny pa more. Haha...” Nanliit ang mga mata ko kay jiro.
Unti unti kong hinawakan ang hamster na nasa kulungan, nandito kami ngayon sa petshop, maganda ang kulay ng hamster medyo malaki siya natatakot ako baka kung anong gawin niya. Ang cute cute niya pa naman. Tinignan ko siyang mabuti parang nagpupuppy eyes siya sakin na hawakan ko siya.
“Takot... Hindi yan nangangagat baby...” Sabi ni jiro at nagkamot pa ng ulo. Tch. Bahala ka dyan.
“Oo na ito na...” Pumikit pa ako at naramdaman ko ang balahibo nito kaya nagmulat ako, nakita ko ang hamster na patuloy lang sa pagkain. Napangiti tuloy ako dahil sa nakahawak na rin ako ng hamster!
“See? I told you!” Masayang sabi ni Jiro sakin, ngumiti ako sakanya.
Tumingin ulit ako sa hamster na ngayon ay naglalaro na sa loob ng kulungan, gustong gusto ko siyang bilhin kaya lang wala akong dalang pera at hindi pa ako pwedeng gumastos ngayon. Hindi ako pwedeng umasa kay Jiro. Dibale na lang baby hamster next time pag nakita kita ulit, bibilhin na kita.
“Baby wait lang ah?” Sabi ni Jiro. Tumango ako sakanya, hindi ko na tinignan kung saan siya nagpunta pero wala pang ilan minuto ay bumalik na siya.
“Let’s go?” Aya niya. Tumango ako sakanya, “Timezone tayo, pleaseeeeee...” Nagpuppy eyes pa ako sakanya.
“Wag ka ngang magpuppy eyes nakakamukha mo tuloy yung hamster kanina.” -_____- Asarin ba naman daw ako? Minsan na nga lang maglambing. Hmp!
Inalis ko pagkakaakbay niya sakin at mabilis na nagmartsya at iniwan siya roon, bahala siya! Akala niya siguro hindi nagtatampo sakanya. Aasarin pa ako. PMS pa naman ako. Hays!
Naramdaman ko ang hawak niya sa pulso ko, “Baby sorry na pleasee? Tara timezone na tayo...” Aniya at hinila na ako doon.
Sinasabi ko na nga ba hindi ko siya matitiis eh, hinila lang niya ako bumigay na agad ako hindi ba naman ako baliw? Next time nga papahirapan ko siya. Wahahaha. Sempre joke lang. Mahal ko nga siguro kaya ganon.
“Aray naman! Bat ka ba namimitik ng noo!”
“Tulala ka kasi! Ano bang nakita mo?”
OMG! Familiar voice! Familiar!! Super familiar! Tama kaya ‘tong nasa isip ko? Pero paano? May relasyon kaya sila?
“Baby narinig mo yon?” Tanong ko kay jiro, tumango lang siya at nginuso niya sila......
HILLARY AND CEDRICK?!
Teka! Teka! Teka lang! Anong meron sa dalawang ‘to? Aba! Nagdadate kaya? Pero BAKIT?!
“Hayaan mo na sila, baby... Tara na maglaro na tayo date nila nyan, let them be...” Bulong sakin ni Jiro kasabay non ang paghila niya sakin para bumili ng tokens.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romantizm#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]