Chapter 24

36 3 0
                                    

Samantha’s POV




***

DAMN IT!

  

Walangya'ng ATE ko! Kakasabi ko lang na tigilan na nya sila jiro at hannah! Wala talaga siyang kadala dala! Napaghiwalay na nya!


Tanga din kasi si Hannah eh, agad siyang nagpapauto, naniwala sa nakita, pero ano yung sinabi niya kanina? Nag I love you too si Jiro kay ATE? Paano nangyari yun? Parang ang labo naman yata. Tch. Anong ginawa na naman kaya ni ATE?

Dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako nung may narinig akong sigawan. Kaaalis lang kasi kanina ni Hannah sa tabi ko, ang sabi niya may pupuntahan lang kaya ngayon naglalakad na rin ako pabalik ng classroom.


Hindi ko sana papansinin ang pagsigaw at iyak na yun pero familiar ang boses kaya nagtago ako sa may likod ng pinto.



“Wala na kayo....” Teka boses 'to ni ATE. “Hindi ka na niya mahal, paano nyan?” desperada talaga nito. Nakakainit ng ulo!


“Babalikan ko siya kahit lumuhod pa ako sa harap niya!” Si Jiro? Yan bagay mo. Sabi na dika magtatagumpay eh.

“Hindi na siya babalik sayo...” Talaga? Sira ka pala talaga ATE, Ang hirap mong spellingan!

“ANO PA BANG KAILANGAN MO?!” Nagulat ako sa sigaw ni Jiro. Alam kong galit na siya.

“Ang gusto ko lang naman....” Ano na naman gusto nito? “Bumalik ka sakin, yung dating masaya, yung dating ako pa ang mahal mo, yung dating—”

  

“LAHAT YAN AY DATI NA LANG!” Nasasaktan ako para sa ATE ko pero wala kasalanan niya lahat ng 'to.  “Napaghiwalay mo nga kami pero yung puso ko siya pa rin ang laman. Kaya walang kwenta ang pagplano mo...”

“Na kahit napaghiwalay mo kami hinding hindi ako babalik sayo..” Pagkatapos nun wala na akong narinig, iyak at hikbi na lang ang narinig ko kaya lumabas na ako, nakita ko si ATE na nakaupo at nakatakip ang mga palad niya sa mukha habang umiiyak.


Napahinto siya at tumingin sakin, “Masaya kana? Ganito na ako? Masaya ka ng makitang nasasaktan at nanghihina ako? Masaya ka ng nalaman mo na hindi na nya ako mahal!” Sigaw niya habang umiiyak.



“Oo masaya.” Sagot ko, tumalim agad ang tingin niya sakin. “Masaya akong hindi ka na nya mahal at si Hannah na ang mahal nya pero HINDI ako masayang nakikita kang ganyan dahil sa pag ibig....” Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

 

“Naaalala mo pa nung iniwan ako ng bestfriend slash first love ko? Ikaw na ang nagsabi sakin na wag akong maging desperada sakanya, yung mahal ko talaga siya makakaya kong pakawalan siya, kung saan siya sasaya doon ako, wag akong maghabol, wag ko siyang ipaglaban dahil hindi naman ako sundalo dahil prinsesa ako, prinsesa nyoko....” Kinagat ko ang ibabang labi ko nung naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng mata ko.



“Nakaya ko syang pakawalan, kahit ang sakit sakit na hindi niya na ako maalala, mamukahan kahit nakakasabay ko siya, pati boses ko.... Ngayon... SINONG MAS NASASAKTAN SATIN?! Kasi ikaw kilalang kilala kapa ni jiro pero ako kilala pa rin ba niya?! Hindi na. Hindi na! Masakit? Oo sobra, pero nagpapakatatag ako... Masaya akong makita siyang masaya ngayon....” Tumulo na ang mga luha ko. Napahagulgol na rin ako. Maalala lahat ng sakit na dulot nya sakin.




Naramdaman ko ang yakap sakin, nagulat ako pero wala akong lakas, “Sis, hanga ako sayo... Hanga akong nakayanan mo siyang pakawalan dahil sa sinabi ko, pero ako, ilan beses mo na akong sinabihan pero hindi ako nakikinig, napaghiwalay ko sila pero makita kong umiiyak si jiro dahil sa kagagawan ko mas gusto ko pa siyang ibalik na lang kay hannah.... sis, nagmamahal lang ako... I'm sorry hindi ako nakikinig sayo, sorry for everything....” Niyakap ko na lang din si Ate at naramdaman kong umiiyak siya sa balikat ko.


Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon