Hannah’s POV
***
“Sa susunod baby na may nakita ka pang ganyan baliwalain mo na lang ah? Wag mo kong idaan sa cold treatment mo, nababaliw ako...” Ani Jiro habang nakaupo na kami sa tambayan.
“Okay na kayo?” Tanong ni cedrick. Tumango ako sakanila.
“Bakit ka ba naging ganon?” Tanong ni carlo, kinagat ko ang ibabang labi ko.
Inakbayan ako ni Jiro, “Dahil kay presh..” Teka, sinong presh?
“O’? Ano na naman bang problema nun?” Kilala nila michael si presh?
“Bakit anong meron kay precily?” Tanong naman ni Carlo. So, si precily pala si presh? Paano naging presh? Lanta na nga eh.
“Nagpost siya sa social media, sigurado akong viral na naman ‘to dito at sa mga friends ko sa facebook!” Ani Jiro habang iritang irita kay pres--precily.
“Sigurado? ‘matic na, usap usapan na nyan ‘yun dito.” Sabi ni Cedrick at ngumuya ng chips.
“Banned kaya natin sila?” Suggest ni carlo. Tumango naman si Michael pero hindi nagsalita si cedrick parang may iniisip siya.
“Banned? It’s useless! Pwede silang gumawa ng bago, mas maganda kung i’private mo account mo ‘yung hindi ka nila mata’tag at hindi nila makikita ang mga post mo then unfriend them all!” Napataas ang kilay ko kay cedrick. Galing ng idea niya ah?
“Aba! P*ta, meron ka naman palang silbi!” Ani carlo.
“Ikaw lang naman ang wala..” Sabi ni cedrick, napailing na lang ako sa sinabi nila.
“Teka, ikaw mag a’unfriend sakanila?” Tanong ni michael kay jiro.
“Hindi ah! Kakatamad, ipapa’ unfriend ko..” Tumingin sakin si Jiro, “Tingin mo baby? Ayos ‘yung suggestion ni Cedrick?”
Ngumiti ako kay jiro at hinawakan ang kamay niya, “No need. Hayaan mo na lang sila... At isa pa, inggit lang mga ‘yon kasi meron akong isang jiro’ng napakasikat sa eskwelahan na ‘to!” Proud na proud na sabi ko.
Napatingin ako at nakita kong namumula siya pero may ngiti sa mga labi niya, “I love you...” Bulong niya.
“Ewwww, walang forever!” Sigaw nila michael, carlo at cedrick.
***
“Anong sabi mo?” Pag uulit ko sa sinabi ng babae sa harap ko ngayon.
“Ang sabi ko, Tanga ka!” Sabi niya habang nakatingin sakin ng diretso.
“Ako tanga!?” Napasigaw na ako kasi ngayon lang may tumawag sakin ng ganito. Nakakainit lang ng ulo.
“Sa ginawa mo kaninang pag iwas kay jiro at ang hindi siya kausapin ay nagsasaya na ang kabila dahil natalo ka nila sa unang laro nila... ngayon sabihin mong dika tanga?” Napataas pa ang kilay niya sa’kin.
“Ano bang laro ang sinasabi mo? Hindi na talaga kita maintindihan!” Naiinis na sabi ko, kanina nung dumaraan ako dito ay bigla siyang humarang at sinabihin akong ‘Tanga’ diba nakakainit ng ulo?

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]