Hannah’s POV
***
Katapos namin mag usap ni Anj ay pumunta muna akong locker ni Jiro at may hinulog doon, dahil hindi ko naman sya nakakausap pag may klase pag nabasa nya yun alam nya na ang gagawin nya.
Kapasok ko ng gym nakita ko agad sila, kaya umupo na ako sa tabi ni jiro, nagtaka ako dahil hindi nya ako pinapansin. Hinayaan ko na lang muna.
“Baby? Gutom ka?” Tanong ko sakanya pero sa halip na sumagot ay umiling na lang.
Kumunot agad ang noo ko pero pinabayaan ko muna, parang kanina lang ang sweet sweet nya anong nangyari? Tumingin ako sa mga kasama namin na nagkibit balikat.
Anong meron? Bakit hindi nila ako pinapansin? Hindi ko na lang pinansin at nagkibit balikat na lang ako. Kinuha ko ang cellphone ko pero hindi ako mapakali sa hindi pagpansin sakin ni Jiro kaya hinarap ko ulit sya na nakaearphones na.
Inalis ko yun at sinamaan sya ng tingin, “Kinakausap kita.” Malamig kong sabi. Kita kong napalunok sya.
“Im just tired.” Maikling sagot nya, napairap ako sa kawalan. Damn. What's happening? Tumingin ako sa mga kasama namin pero biglang nag iwas ng tingin sakin.
Tumingin ulit ako kay jiro, “Jiro..” Tawag ko, No response. Hindi ko na kaya! “Damn you Jiro, wag kang magsasalita kahit kailan!” Tumayo ako at naglakad pero may lalaking nakaharang sa harap ko.
Nag init ang ulo ko, “Tabi ka dyan kung mahal mo pa ang buhay mo.” Mukhang natakot sya kaya umalis.
See? Hindi nya ako sinundan! Anong problema ng lalaking yun? May babae kaya sya? May iba na? Ayaw na nya? Sawa na sya?
Hindi ko namamalayan tumulo na ang mga luha ko, ngayon lang nya ako trinato ng ganun, hindi pinapansin, hindi kinakausap, maikling sagot, dati makita nya palang ako may I love you na. Totoo nga, people changed.
Gumaganti ba sya sa ginawa ko noon? Alam ko naman mali ako eh pero bakit kailangan nya pang maging ganon?
Pucha ka naman, Jiro Vann Santos!
***
Jiro’s POV
“Saan ka pupunta?” Tanong ni michael. Pinigilan nila akong tumayo.
“Susundan ko.” Sabay turo nung pinto na pinagdaanan nya. Sinamaan agad nila ako ng tingin.
Agad akong binatukan nila coleen at hillary, “Gusto mo pa bang ituloy 'to ah?! Hayaan mo sya, magiging effective yan promise.” Ani coleen sabay tingin ulit sa cellphone.
Ngumiti naman si hillary, “Oo nga, magiging masaya pa yun.” Saad nya at kinausap si cedrick.
Umupo ako ulit at nagkamot ng ulo, “Nagagalit na eh. Natatakot na ako.”
Nagtawanan naman sila, “Wag kang gago pre, hindi ka naman iiwan nun.” Nakangising sabi ni cedrick.
May pumitik ng noo ko, “Loko ka. Sinasaktan mo na naman yung pinsan namin pasalamat ka talaga tungkol ito doon kundi...” Ani Xyrile at sinamaan ako ng tingin.
Alam ko naman eh, bubugbugin nila ako kaya laking pasasalamat ko na magiging effective 'to.
“Ano urong o sulong?” Nakakalokong tanong ni michael. Sinamaan ko sya ng tingin pero binatukan siya ni carlo.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]