/Hannah/
**
Habang kumakain kami ni jiro sa isang fastfood sa foodcourt ay nawawalan ako ng ganang kumain, lutang ang isip ko, hindi ko alam kung nasaan na.
"Baby, are you ok?" Napatingin ako kay jiro na parang nag aalalang nakatingin sakin, tumango bilang sagot.
Kakain sana ako pero parang may humarang sa bibig ko, hindi ko mabuksan, wala na akong lakas kumain sobra sobra yata akong naapektuhan sa sinabi nung ex na si precily.
Nasa may garden kami, natapos na kaming kumain kanina at sinabi ko na mag stay muna sya dito kahit sandali lang, nakaakbay sya sakin habang hinahaplos ang buhok ko pataas at pababa, walang nagsasalita.
"Baby, may tanong ako.." Agad kong sabi, naramdaman ko ang pagtango nya.
"Ano 'yon?" Tanong nya.
"Sabi mo, hindi ako ang first love mo, gusto kong ikwento mo sakin ang naging relasyon nyo ni precily..." Naramdaman ko ang paghinto nya sa paghaplos sa buhok ko.
"Hindi mo na dapat malaman." Sagot nya, iniisip ko lang na baka magkulang ako sakanya, gusto kong suklian ang pagmamahal na binibigay nya sakin, gusto ko 'yung pagmamahal na katulad ng sakanya.
"Please..." Pakiusap ko, nakasandal pa rin ako sa may dibdib nya, tinigil nya ang paghaplos sa buhok ko at inakbayan ako ng mahigpit.
"Kung 'yun ang gusto mo," Saad nya. Tumango ako, hinanda ko ang sarili ko sa mga sasabihin nya.
"Precily Cheska Genral was my first love, nung third year kami lagi ko syang inaasar, lagi ko syang binubully, lagi ko syang pinagtatawanan kapag naiinis na sya, kasi masaya nun ako kapag naiinis na sya sakin kasi mas nagiging cute sya, magkasama kaming naglilinis ng room, pag pupunta sya sa cafeteria nakasunod ako sakanya, para makita lang sya nagcutting nun ako..." Sumikip ang dibdib ko sa kwento nya. Never nya akong inasar, never nya akong binully, never nya akong pinagtawanan kapag naiinis ako.. Lahat ng ginawa nya, never nyang ginawa sakin.
"Until one day, hindi ko na alam ang nararamdaman ko basta pag nakikita ko sya bumibilis ang tibok ng puso ko kaya doon ko nalaman na mahal ko na sya, linigawan ko sya, binigay ko lahat ng gusto nya, minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko, pero nalaman ko na niloko nya ako, pinerahan, pinagmukha nya akong tanga..." Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko, ang sakit sakit, bakit ko pa kasi pinakwento.
Napatigil sya sa pagkwe'kwento, tuloy tuloy lang ang agos ng luha ko, humarap sya sakin at nagulat sya nung nakita nyang umiiyak ako kaya niyakap nya ako.
"Sabi naman kasi sayo wag mo ng alamin eh." Bulong nya habang nakayakap pa rin.
"Hindi man ikaw ang first love ko pero sisiguraduhin kong ikaw ang huli." Lalo akong naiyak sa sinabi nya.
"Hindi ko man nagawa ang ginagawa ko sakanya dahil ayokong balikan ang bagay na dahilan kung bakit tayo nagkakilala, hindi kita inasar, hindi kita binully, hindi kita pinagtawanan kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. Ikaw ang nagbigay ng rason sakin para mag mahal ulit."
"Unang kita ko pa lang sayo alam kong ikaw na ang para sakin, unang kita ko pa lang sayo minahal na kita, unang kita ko pa lang sa'yo, patay na patay na agad ako sayo... Wala eh. Na love at first sight ako sayo..." Naiyak ako sa sinabi nya, natouch ako, ramdam ko ang pagmamahal nya sakin.
Kumalas sya ng yakap sakin pinunasan nya ang mga luha ko. Mabilis nya akong hinalikan wala ako magawa kundi gantihan ang halik nya.
Kumalas sya, "I love you baby.. Stop being paranoid. Ikaw na ang mahal ko. Wala na akong pakealam sakanya. Sayo na umiikot ang mundo ko, Let's say ikaw na ang mundo ko pag nawala ka baka pati ako mawala rin." Hindi ko mapigilan hindi ngumiti.
"Mas maganda ka pag nakangiti." Saad nya, "Ngingiti na 'yan. Yiee." Asar nya sakin.
Abnormal talaga ng boyfriend ko, ngumiti ako at hinampas sya ng mahina kaya natawa din sya.
"Paano kung bumalik sya?" Tanong ko. Napapoker face naman sya.
"Edi bumalik. Wala akong paki." Sabi nya, "Hannah Jade Castañeda Villamar na kasi pangalan ng mahal ko."
Hindi mo lang alam Jiro kung gaano moko pinasaya, hindi mo alam na sobra sobra kitang mahal, mahal na mahal kita. Bata pa tayo pero alam kong ikaw na ang para sakin.
**
"Hi hannah," Bati sakin ni michael habang nakangiti.
"Hello." Sagot ko. Ang nandito lang sa may garden ay sina Michael, Jiro, carlo at cedrick wala pa 'yung iba.
"Kamusta na kayo ni Jiro? Hindi kaba nya sinasaktan? Sabihin mo sakin pag sinaktan ka nya sakin ka na--"
"Gusto mo ng mamatay?" Napatawa naman ako sa sinabi ni Jiro, inakbayan nya ako.
"Chill." Aniya at tumawa.
"Oo nga pala Jiro, bumalik na si Precily ng pilipinas." Hindi na ako nagulat pero alam ko sya ay nagulat.
"Wala ka man lang emosyon, hannah?" Nagtatakang tanong ni cedrick.
Napatingin sila sakin, Umiling ako, "Alam ko naman kasi." Sagot ko.
"ALAM MO NA!?"
"PAANO MO NALAMAN!?"
"CLOSE KAYO!?"
Nanliit ang mga mata ko sa tanong nila, lumunok ako alam kong nakatingin sakin si Jiro pero hindi sya nagsasalita.
"Dalawang beses kaming nagkita, wait, isa lang pala kasi 'yung isa narinig ko lang sya may kasama nun sya, kaibigan nya yata eh nasa loob ako ng restroom nung nagwork out ako, tapos kahapon.... lumabas ako sa restroom nakita kong nakatingin sya sakin. Yun lang." Sabi ko, hindi ko na sinabi 'yung tungkol sa mga warning nya.
"W-wala syang sinabi sayo?" Tanong ni Carlo.
Marami. Umiling ako, "Wala naman." Sagot ko.
"Buti naman." Sagot nila. Napatingin ako kay Jiro na nakayuko at parang nag iisip.
Matapos ang pag uusap namin naiwan kaming dalawa dito ni jiro. Walang nagsasalita, mukhang nagulat din sya. Tumingin sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Kung sila naloko mo ako hindi, boyfriend moko kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Ngayon sabihin mo sakin ang mga sinabi nya." Napalunok ako ng ilan beses sa maawtoridad na boses nya, seryosong seryoso ang itsura nya.
Lumunok ako bago sumagot, ayoko na sanang ikwento pa para sana hindi na sya mag aalala pero makulit sya, kailangan nya daw malaman ang binabalak ni Precily, kaya kwinento ko lahat sakanya mula nung nag work out ako hanggang sa kahapon, natatakot ako sa pwede nyang gawin, natatakot ako na baka.... hindi! No! Hindi dapat ako nag iisip ng ganito.
Kwinento ko sakanya kaya ngayon nakatingin lang sya sakin, hinawakan nya ang dalawang kamay ko na mahigpit, sobrang higpit.
"Ipangako mo, magtitiwala ka sakin. Tiwala lang baby."

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romansa#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]