Hannah‘s POV
***
~Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na ‘di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan...~Habang nakatingin ako sa blackboard ay naka earphones ako wala pa naman prof. kaya free pa kami ngayon lalo na‘t first day magagawa pa namin ang gusto namin gawin.
‘Ngunit kahit na ganito
Madalas na ‘di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko.....~Saktong natapos ang pangalawang stanza ng kantang walang iba ay biglang pumasok ang prof. namin dire‘diretso siya sa mesa niya at pinatong ang bag d‘on. Inalis ko ang earphones ko at pinatay ang music at nilagay ‘to sa loob ng bag ko. Tumingin siya samin kaya d‘on sila/kami tumayo at binati siya.
“By the way class, My name is Sir. Ederson Pablo your professor.” Tumango naman kami. Katapos non ay meron palang introduce yourself na pinaka ayaw ko sa lahat kapag first day.
Natapos kaming magpakilalang lahat ay bumalik kami sa kanya kanya naming upuan. Nagkaroon ng konting kasiyahan dahil first day naman daw pero biglang may pumasok sa isip ko.
Careful....
Hindi ko naintindihan ‘yung babae kanina, ano kayang ibig niyang sabihin? Tanungin ko kaya mamaya? Bahala na pag nakita ko siya kakausapin ko na lang.
“Hannah...” Kinalabit ako ng katabi kong si anj kaya napatingin ako sakanya.
“Ano ‘yun?” Tanong ko sakanya. Huminga siya ng malalim at tumingin sakin.
“Yung babae kanina wag mo na lang pansinin baka naiinggit lang siya sainyo ni Jiro kaya ganon ‘yung sinabi niya sayo.” Napatango na lang ako sakanya.
“Oo, akong bahala. ‘Di naman ako masyadong nagtitiwala agad agad...” Sabi ko iniwas ko na ang tingin ko sakanya.
“HANNAH!” Tinawag ako ni ate hillary na kita ko ay inayos niya ‘yung bag niya sa balikat niya kaya ako din ay inayos ko ang bag ko.
“Sabay na tayong lumabas, pupuntahan ko rin sila coleen sa cafeteria kung nandun na sila, magkakaiba yata tayo ng schedule, diba?”
“Nope... Sila Jiro ay malalate lang ng ten minutes satin, sila coleen naman ay five minutes, ‘yung iba ay nauna na satin at alam kong sila aze ‘yun at ang mga business management.”
“Oo nga pala... Tara na.. hintayin natin sila sa may cafeteria...” Sabi ni ate at naunang mag lakad sa‘kin.
“Baka mag text sila na nasa gymnasium sila ah? Check check din ng phone...” Sabi ko. Tumango na lang siya kaya hindi na ako nag salita pa.
Sumusunod lang ako kay Ate sa paglalakad, pinagtitinginan kami, expected ko na ‘to dahil baguhan lang kami dito buti na lang at walang masyadong bully dito sa school dito sa tarlac kasi halos patayin ka na kapag binangga mo sila.
“Hanap tayo ng mesa na medyo mahaba dahil marami tayo...” Sabi ni ate.
“Okay.” I said. Inikot ko ang paningin ko at medyo may naaninag ako na babae. Teka? Siya ‘yung kanina.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]