JIRO POV.
Kanina ko pa hinihintay ang text ni Hannah, tangina kasi. Nagwowork out pa ang sexy na nga nya, kahit walang effort ang ganda ganda na nya pero bakit kailangan nya pang mag work out? Nakakainis. Hindi naman ako galit sakanya ayaw ko lang ma expose katawan nya, Sht! Sana sinama nya ako para nakapag work out din sana ako.
Hindi kaya niloloko na nya ako? Pero teka, malabo. Sa gwapo ko ba naman na 'to? Pagpapalit nya pa ako? Atsaka may tiwala ako sakanya, hindi nya naman siguro sisirain ang tiwala ko. Mahal na mahal ko 'yun kahit medyo may pagka bipolar wala akong pake basta ang alam ko mahal ko sya. Unang kita palang, na love at first sight na ako sakanya. Woah. Ang bakla.
Nawala ako sa pagiisip nung tumunog ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha galing kay Hannah ang text kaya agad ko 'tong binuksan.
Baby:
I love you. See you later baby, Don't get mad at me, okay?
Sa halip na magalit ako ay napangiti pa ako, kinikilig ako sa bawat I love you nya tangina, nakakabakla talaga ang mainlove.
Me to baby:
I love you too, baby uwi ka na hindi ako galit.
Ka send ko nun ay humiga ako sa kama nya, oo tama kayo nasa kanila ako, may tiwala naman sakin ang mga pinsan nya kaya hindi na sila nag rereklamo pag pumapasok ako sa kwarto nya at wala akong balak sirain ang tiwala nila sakin.
Kinuha ko ang unan na tweety bird ang design at niyakap ko 'to, kunwari kayakap ko sya, kaamoy nya pa naman, hindi ako nakatiis tumayo ako at pumunta sa may collections nya. Nakita ko na puro tweety bird na keychain tapos meron mga papers na tweety bird tapos ballpens, ngayon ko lang nalaman na adik pala sya kay tweety bird.
Lumipas ang isang oras ay biglang bumukas ang pinto, nakita ko na si Hannah 'yon mukha nagulat pa sya kung bakit nandito ako. Kunwari nagtatampo ako para makakuha ako ng kiss. Hehe. Quiet lang kayo ah?
***
HANNAH POV.
Kapasok ko ng kwarto ko nagulat ako at nakahiga sya sa kama ko, nakatingin lang sya sakin hindi sya nagsalita kaya kinabahan ako, nilapag ko ang gamit ko sa may mesa at nilapitan sya.
"Baby... galit ka?" Tanong ko, Hindi pa rin sya nagsasalita. Napanguso na ako kaya niyakap ko sya.
"Baby, sorry na... please..." Napagbuntong hininga ako hindi sya nagsasalita nakatingin lang sya sakin at nakanguso.
"Anong gusto mong gawin ko para bati na tayo? Promise last na 'tong work out ko." Nagtaas pa ako ng isang kamay.
"Kiss me." Sagot nya, nanlaki ang mga mata ko kaya naman tinulak ko sya at ngayon tumawa sya at binuhat ako at nilagay sa kama.
"Baby naman! Hahaha. Sorry na.. Kasi naman... Hahahaha.. Stop... Oyyyyy!!!" Paano kiniliti nya ako kapunta sa kama.
"Madaya ka sabi mo gagawin mo basta bati tayo.. Ngayon kiss me." Napanguso ako at umupo sa kama.
Kikiss ko na sana sya at biglang bumukas ang pinto. Nagpigil ako ng tawa dahil narinig ko syang nagmura.
"Kakain na." Ani Xyrile at iniwan kami dito.
Lumapit ako kay Jiro sa tainga nya at bumulong, "Better luck next time baby."

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romansa#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]