"Priam Montesano, 16 years old, 4th year high school student, mahilig magsugal, tumakas sa klase, ulila sa nanay, anim na taon mo nang hindi nakikita ang tatay mo. Jilad Montesano is your guardian, right?"
Napa-atras ako mula sa kanya. Kilala niya ako. Paano? Tsaka, ano? Gagawin akong Mafioso? Jusko nakakatakot magbiro ang isang to.
"T-teka, ano yan? Ba't ano, uh.. ano—" hindi ko malaman kung anong una kong itatanong. Kinakain ng kaba ang buong sistema ko.
Bakit alam niya ang pangalan ko?
Bakit may alam siya tungkol sa pamilya ko?
Alam niya din ang mga ginagawa ko. Paano?
"Aray!" Lalo akong napaatras ng maramdaman ko ang pananakit ng noo ko. Habang siya ay naka akto pa ring pipitikin ako.
"The hell with you!" Nainis kong sabi.
"Don't you curse on me young lady." Kalmado pero may tono ng pagbabantang sabi niya. Hindi ko naman alam kung mag so-sorry ako o ano kaya nanamhimik nalang ako.
"Kailangan mo nang umuwi bata, hatid na kita." Bigla niyang sabi pero pinilit kong tumanggi. Kahit pa tinulungan niya ako kanina ay hindi naman pwedeng agad akong magtitiwala sa kanya.
"A-ayaw! Kaya ko namang umuwi mag isa, Zoran. Hindi mo na ako kailangang iha—" hindi ko maituloy ang magreject sa offer niya ng tinignan niya ako ng masama. Yumuko nalang ako at sinundan siya palabas.
"Hindi kasi kita pwedeng hayaan matapos mong makabangga yung mga gangster ng Barone. They're too low class kaya siguradong babalikan ka non." I can feel his concern and his sincerity kaya naman minabuti kong magbiro para mawala ang tensyon sa amin.
"Ex ko nga hindi ako binalikan, sila pa kaya." Hirit ko.
"Wala ka pang nagiging nobyo, wag kang feeler." Banat niya pabalik.
"Tangina, bakit ba ang dami mong alam tungkol sakin?" I snorted as we continue walking home.
"You don't underestimate a mafia's intelligence department Priam. Especially our Family's.." That mafia again.
Just hearing the word freaks me out. Parang gusto ko nalang humiga agad sa kabaong ko at magpalibing.
I am brave but I'm not a daredevil.
I am just an ordinary girl, obviously having bad habits, but mafia is a thing I wish to never get involved to.
"C-can you stop saying something about uh—mafia or anything related with that? I don't think it has something to with me." Nasa harap ko siya at nakapamulsa at napansin ko ang pag hinto niya. Huminto din ako at bigla siya humarap sakin.
"You have been involved ever since. This might freak you out, it freaked me out too, but my mission is to make you a Mafioso, a member of a family that you are long supposed to be aware of."
Kagaya ng sabi niya ay hinatid niya ako pauwi. Hindi na ako nakapagsalita matapos niyang sabihin sa akin ang isang bagay na hindi ko inaasahang maririnig ko.
Pinagalitan ako ni Jilad ng makita niya ang pasa ko sa mukha. Nakatanggap pa nga ako ng batok mula sa kanya. Halatang galit siya, pero alam kong nag aalala lang siya.
Para ko na siyang kuya, pitong taon ang agwat namin at kapatid siya ng tatay ko na matagal ko nang hindi nakikita. Siya ang nag aalaga sa akin simula noong umalis si papa.
Umakyat agad ako ng kwarto ko at nahiga matapos kumain. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising nalang dahil sa ingay ng busina ng ilang sasakyan sa labas.

BINABASA MO ANG
Teach me how to Mafia
ActionThere will always be a lesson that will completely change our lives, the lesson I had happened to wreck havoc in my life and everyone involved.