34

98 4 2
                                    

They say life is unfair and hard and everything not so nice, but I never expected hell as early as now. Grim was hell, that freaking big room was hell. What the hell!


My tried my bestest to get up from my bed although it has only been three hours since I slept. I can still feel the heaviness of my limbs as I tried very hard to obey Grim's orders, last night. Kung hindi lang siya nakakatakot ay baka sinaksak ko na siya sa sobrang inis ko.


I got up and washed up, too. It's 6.30 in the morning and I wonder if my friends had already arrived. I deliberately chose the most informal and simple clothing I see from my humongous closet. Nagpapatuyo ako ng buhok ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Inisip ko na baka si Larkin iyon kaya naman sinabi ko na maaari siyang tumuloy.


Hindi ako relihiyosong tao pero napadasal ako nang makita ko ang demonyitang nalampasan si Zoran sa sobrang kabrutalan sa'kin, si Grim. Jusko ko naman, sa dinami rami ng taong pwede kong makita sa umaga, bakit si kamatayan pa. Isip ko habang nakatingin sa kanya.


"You crippled your forehead as if I am a very bad sight. May problema ka ba sa akin?" tanong niya na nakapag paayos sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya at kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang magpakaplastic sa kanya.


"Tigilan mo nga yan. Para kang natataeng ewan." Saad niya. Gusto ko pa sanang sagutin ang impaktang ito pero ayoko pang mamatay.


"Ano bang ginagawa mo dito?" Pag iiba ko ng usapan. She jumped over the sofa and sit comfortably before answering my question.


"Nothing." Maikli niyang saad sakay ay humikab. "Call for breakfast." Dagdag niya. Tumango lang ako at saka kinuha ang intercom sa side desk ng kama nag utos ng almusal.


Kasabay ng pagkatuyo ng buhok ko ay ang pagkatuyo ng aking lalamunan. Akala ko pa naman ay okay na ako kahit nasa paligid ko si Grim. Shit! Hindi pa din pala. Napaka overwhelming kasi ng presensya nya, kumbaga ay hindi ka tao kung hindi ka mai-intimidate sa kanya.


Medyo may katagalan bago may kumatok sa pinto, siguro dumating na yung agahan. Binuksan ni Grim ang pinto at pumasok si Larkin habang may tulak tulak na ang isang food cart na kumikinang dahil gawa yata ang isang iyon sa pilak. Pucha, benta ko kaya yan? Natawa ako nang maisip kong kumupi ng push cart para lang ibenta sa junkshop. At yung kutsilyo naman kaya ni Grim? Saang pawnshop ko kaya ipapatimbang iyon at magkano ang aabutin.


Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko kaso nakakahiya naman sa dalawang ito na nasa kwarto ko. DI yata uso privacy sa kanila.


"Please have your breakfast, miladies." Sabi nito at saka lumabas ng pinto. Balak ko pa naman sanang ipakita sa kanya kung paano rumolyo ang mga mata ko pataas dahil sa nag uumapaw niyang pormalidad e.


Sabay kaming kumain ni Grim at walang nagsasalita sa amin. Magiging major ko ang pagiging pipi pag lagi kong kasama ang isang ito.


Naubos nalang ang pagkain namin ay tahimik pa rin. Ibinalik ko sa cart yung pinagkainan namin at inilagay sa tabi. Bumalik ako sa higaan at t inignan ang phone ko ngunit wala rin namang kahit anong balita akong narinig mula kina Jil. Papunta na kaya sila? Nasan na kaya sila? Buryong buryo na ako dito.

Teach me how to MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon