12

104 8 0
                                    

"Anyone who cares to explain?" naiirita kong saad habang nakaupo kaming lahat at inu-okupa ang buong living room.

Nasa harap ko sina Andela, Zaire at Ercole.

Nakatayo sa gilid Zoran, habang sina Ares at Jilad ay naka-upo sa single seater couch.

"Ah, boss kasi-" umpisa ni Zaire.

"Siguraduhin mong maayos yang paliwanag mo Zaire kundi hindi ka na makakatapak sa pamamahay ko." Banta ko dito.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko na kausapin ang mga ito.

Pakiramdam ko nga ay kayang kaya naman nila akong bugbugin, on the spot pero hindi nila ginagawa.

Feel na feel ko ang titulo ng Boss ngayon dahil iyon ang nagpapanatili sa aking buhay. Kung hindi siguro ako ang successor ni tandang 69th e baka kanina pa sira ang pagmumukha ko.

Hindi naman dapat ako maiinis kung pinansin nila ang mga tanong ko kanina. Pero simula ng dumating kami sa bahay at narinig kong tawagin nila ng Lord at Lady ang mga gurang sa bahay ko ay hindi nila ako kinausap at para
bang hindi nila ako kasama.

Kinailangan kong magbanta muna bago sila lumabas sa living room at nakipag-cooperate.


Laking pagtataka ko pa ay nang makita ko si Jilad na parang wala man lang karea-reaksyon sa mga naririnig niya.

"Ano bang gusto mong malaman, Priam?" tanong sa akin ni Zoran.

"Wag kang bastos, boss ang itawag mo sakin." Sagot ko dito ng hindi siya nililingon. Tangina mo ah, nakaganti din ako.

Halatang nagulat ang lahat ng nasa kwarto bukod kay Jilad na kahit anong pigil sa pagtawa ay hindi niya naman mapigil.

Hindi ko na narinig na nagsalita ulit si Zoran kaya hinayaan ko siya. Aba, may limang tao pa dito na pwede kong kausapin.

"May alam ka dito Ercole?" baling ko kay Ercole na tahimik na nakaupo sa gilid.

Hindi siya sumagot o gumawa ng kahit anong expression. Ngunit tumingin siya kay Zoran at Jilad saka tumango. Tila nakuha niya ang mga permiso nito.

"Meron. M-meron po, b-boss." Sagot niya sa tanong ko.

"Mafioso ka?" dagdag kong katanungan sa kanya at tumango siya. Naniwala na akong badboy siya, pero Mafioso? Seriously?

"Andela." Tuon ko naman kay Andela na nakayuko at hindi makatingin sa akin.

"Kaano-ano mo si Zoran?" sumandal ako sa sofa at hinintay ang kanyang sagot. Umangat ang ulo niya at kagaya ni Ercole ay tinignan si Zoran.

Ano bang meron si Zoran? Siya ba ang boss? Bakit sa kanya tumitingin ang mga ito?

Huminga ng malalim si Andela at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Tito and I aren't blood related. But my Dad, Tito Zoran and Tita Ares are childhood friends." She explained.

Her dad? Zoran? And Ares? Childhood friends? Anong laro naman ang nilalaro nila? Patentero? Baril-barilan? Ganun? Tss.

"Are you and your dad also a part of the Zaccardi Family?" kyuryus kong tanong at tumango ang ulo niya.

Nakakapikon ang mga pangyayari. Paanong hindi ko nalaman ang lahat ng ito kung ako ang boss?

Napatingin ako kay Jilad sa kanan ko na prenteng naka de-kwatro at parang wala lang sa kanya ang mga nangyayare.

Sinuntok ko ang braso niya kaya umayos siya pagkakaupo.

"Ikaw, mahal kong tiyuhin? Anong alam mo sa mga ito?" naiirita kong tanong sa kanya.

Ngumisi siya sa akin, ngisi na hindi ko kailanman nakita mula sa mga labi niya. Mga ngising katulad ng mga ngisi ni Zoran. I never imagined he's into scary smirks too. Dang.

"I knew everything, you didn't know." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at parang gusto ko na naman na suntukin siya. This time, yung mas masakit. Yung tipong magkaka fracture siya dahil sa sobrang inis ko.

"Lahat ng hindi ko alam?" bulong ko at napayuko.

"Yup. Gulat ka noh?" mapang asar niyang sabi.

"Eh, tangina. Halos matakot ako na ikaw ang papatay sa akin pag nalaman mong may kalokohang Mafia ang humahabol sakin tas alam mo pala ito? Kung nung una palang alam ko na involved ka pala edi naka-oo na ako agad, nag aral pumatay kasi tangina kahit tiyuhin kita, tatamaan ka talaga sakin!" mabilis at histerikal kong turan kay Jilad na may kasamang hampas kurot.

"Bwisit ka!" hingal ko pang dagdag dito.

"Sus, gagawin mo pa aking rason, eh alam ko rin na naduduwag ka kaya hindi ka kaagad naka-oo." Habol na pang asar ng tiyuhin kong masarap sakalin.

"Ngayon mo ko tanungin kung payag akong maging boss, o-oo agad ako para patayin ka." Pikon kong sagot sa mga bato niya.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ng ibang tao na kasama namin sa living room. Naalala ko nanaman na dapat naiinis ako sa mga ito dahil, una, pinaglihiman nila ako. Pangala, naglihim sila. Pangatlo, hindi ako sigurado kung ano pa yung nililihim nila. Kaya tangina, mamimiga ako ng tao ngayon.

"Mafioso ka rin Jilad?" bumalik ang pagka seryoso ng boses ko dahil sa tanong kong iyon kay Jilad.

"Oo." Mabilis niyang sagot sa akin.

"Kailan pa?"

"Since 10 years ago. I was 14 when I was recruited."

"T-that young?" I asked, regretting that I acted rude on him.

"Yup." Ngumiti siya sa akin na para bang wala siyang problema.

"You don't have to feel bad about it. Mafia had given me a new family, right before we had a princess. I was happy, at wala kong pinagsisisihan." He assured me.

"I wasn't worried." I lied.

"Zoran." I stated. Hindi ko narinig ang pag sagot ni Zoran. Hindi ko din siya makita dahil bumalik ako sa pagkakayuko.

"What exactly are my duties as the 70th boss?" I felt the atmosphere tensed up but disregarded it. Just like before, I suddenly had the urge of knowing how to do the job well.

Lalo ngayon na nalaman ko na kasama si Jilad sa Zaccardi Family. I guess there's no other choice left for me but to make sure that the 70th family will be safe.

"We can always talk about that later. It's not as if you'll be inaugurated soon. Buhay pa si Lucio so you can still relax and focus on training." I heard him say. Nirelax ko ang balikat ko at sumandal muli sa sofa.

"We need to treat your wounds, young boss." Napalingon ako kay Ares na nakatingin sa mukha ko.

"Ercole was beaten up pretty bad, too, Tita." Ani Andela kay Ares.

"Unahin mo na si Ercole, Ares. Maliligo nalang muna ako." Tumayo ako at naglakad paakyat.

Should I say sorry? Masyado yata akong nagpaka spoiled brat kanina. Nakalimutan ko na kung hindi dahil sa mga ito ay baka hindi ako nailigtas.

"Uh.. Well, you see..." sige na Priam, ipagpaumanhin mo na yang kaepalan mo.

Huminga ako ng malalim at humarap muli sa kanila.

"He he, pasensya na sa kung naging bossy ako ah. Nairita lang ako, napaka snobber niyo kasi kanina e." saad ko at mabilisang tumakbo papasok ng kwarto ko.

Imbis pa na maglinis ng katawan ko ay tinungo ko ang higaan ko at niyakap ito.

Isang araw palang ang lumipas pero parang pagod na pagod ako. Napakaraming nangyare, para akong nananaginip.

To think that Zoran, Ares, Zaire, Andela, Ercole and Jilad were all Mafioso? And a weakling like me is their boss? Damn. It's too much responsibility.

Ipinikit ko ang mga mata ko na parang hindi pa nakalasap ng pahinga. Matapos noon ay gumaan ang pakiramdam ko at hindi ko na maalala kung anong nangyayare.


Teach me how to MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon