3

228 13 7
                                        


Bumaba na ako ng kwarto matapos kong mag ayos para sa pag pasok ko sa eskwelahan. Naamoy ko na ang masarap na pagkaing niluluto ni Jilad sa baba.

Kaso kagaya ng nakagawian, nandito nanaman si Zoran. Halos dalawang linggo na siyang tambay dito at walang palya niya akong kinukumbinsi na gawin ang gusto niya.

"Good morning!" masigla niyang bati sa akin.

"Hindi na maganda ang umaga, Zoran." Ano nanaman bang gusto niya. Tss.

"It seems to me that you're okay. That's good news." Bulong niya, na narinig ko naman at bigla silang nagkatinginan ni Jilad. I arched my brow in confusion, what's with them?

Matapos kong kumain ay tumayo na ako at inayos ang sapatos ko. Naramdaman ko naman na may tao sa likod ko at nakita ko si Zoran na hinihintay ako.

"Bat ka nandyan?" tanong ko.

"I'll walk you to school. Or do you want us to use my car?" seryoso ang mukha niya kaya hindi ako nagtangkang sumagot ng pabalang. He never fails to scare the sht out of me.

"Let's walk, maaga pa naman e." I said accepting his invitation. Nakita ko namang tumaas ang isang sulok ng labi niya.

Ilang taong na kaya to si Zoran? Napaka ganda ng pagkakabuilt ng katawan niya, at hindi ko maipagkakailang gwapo siya. May karisma siya at nakapa indimidating ng presenya niya. Yung tipong mako-conscious ka pag nasa paligid mo siya.

Well, that goes pag hindi ka niya sasabihan na gagawin ka niyang mafia. So in my case, I can't stay at awe kasi ayoko namang nasa paligid ko siya. O kahit sa buhay ko. Bwisit.

"You're thinking too loud, Priam." Napahawak ako sa bibig ko. Sht. Sht. Sht!!!!

"Narinig kaya niya?"

"Oo, narinig ko." Sagot niya. Tangina. I faked a cough and composed myself kahit nalulunod pa ako sa embarrassment.

"So, uh—"

"The first step we need to do for your family is to gain members. Strong-willed trustworthy members to guard the boss and the family."

Here we go again. For about a week now, he never stops bugging me about that. Tumatambay pa siya sa school ko at sabay kaming umuuwi. Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit siya nasa school at sagot lang niya ay 'I'm looking for someone.'

Looking for someone. Looking for someone pa siyang nalalaman. Bakit? Dito ba nag aaral true love niya? Tangina niya. Dami niyang alam.

Kagaya ulit noong nakaraan, hindi ako nakikinig. Hinahayaan ko lang siyang magdadaldal. Sawa na akong makipag talo sa kanya. Mapapagod din yan ng kakukulit. Ha!

I never again had the chance to go back to the gambling house since Zoran went with me. Para akong may body guard.

Isang hila lang niya sa braso ko, hindi na ko makapalag. Napakalakas ng bwisit na to.

Nakarating na ako sa school at humiwalay na si Zoran sa akin. Lagi nalang siyang pinagtitinginan. Pero walang may kayang lumapit sa kanya.

Pumasok ako ng room at ang presidente naming si Levi ay laging tuwang tuwa. Bukod kasi sa maaga akong pumapasok ay umuuwi ako sa tamang oras.

Dumaan ang oras at lunch break na. Sa wakas! Nagugutom na ako.

Pumunta ako sa cafeteria at nakita ko si Zoran na nasa usual niyang upuan. Kinawayan niya ako kaya naman doon na ako tumungo.

Sabi niya siya na daw ang o-order kaya hinintay ko siyang makabalik.

Hindi siya kaagad nakabalik dahil ang dami niyang in-order.

Teach me how to MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon