Si Ercole ang nagvolunteer na bumili ng pagkain namin. Kaya naiwan ako at si Andela na naka-upo sa isang table sa cafeteria.
Nakatingin ako kay Andela na napansin kong kanina pa iniiwasan ang tingin ko.
"Hindi kita tatanungin, so you don't have to avoid my gaze and feel uncomfortable. I know who, when and what to ask. Relax." Sabi ko kay Andela na medyo pabiro.
"Pasensya na boss, hindi ko alam ang gagawin ko pag nagtanong ka. Hindi naman ako maka-hindi sayo dahil karapatan mong malaman iyon, pero kung sakali man ay hindi dapat sa akin manggaling ang storya nila." Paliwanag niya.
"I know that, kaya nga hindi ako nagtatanong e." sabi ko dito. Nagrelax naman siya matapos niyang marinig ang sinabi ko.
Maya maya pa ay bumalik na si Ercole at dala ang pagkain. Inumpisahan namin ang pagkain, umingay si Ercole at lumabas ang kakulitan niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko si Levi sa kanya.
Lalo noong mga panahon na kinukulit ako ni Levi na wag umalis ng klase para mag sugal.
Nagkukwento siya kay Andela ng kung ano-anong mga bagay. Si Andela naman ay nakangiting nakikinig sa kanya. Tumatawa sila at naghahampasan paminsan at may panahon ding nagkakapikunan sila.
Pinanood ko lang sila at hinayaan. That way, nakikilala ko sila.
Tumunog ang cellphone ko at agaran ko itong sinagot.
"Hello?" bati ko. Rinig ko ang boses ni Zoran sa kabilang linya. May mga ilang bagay siyang sinabi kaya naman nag aya na agad akong bumalik sa klase. Nang marinig naman nilang si Zoran ang kausap ko ay agad din silang sumunod kahit naabala ang kanilang kwentuhan.
"Sige, palabas na ako." Sabi ko dito atsaka kinuha ang bag ko at lumakad palabas ng room.
Nakasalubong ko si Levi at agad siyang humarang sa daanan nang mapansing bitbit ko ang bag ko.
Humakbang ako pakanan at ganun din ang ginawa niya. Humakbang ako pakaliwa pero humarang pa rin siya.
"Wag ka ngang makulit Levi. Padaanin mo ko." Pero hindi siya natinag.
"Hindi pa tapos ang klase Priam. Bumalik ka don." Utos niya na nagpataas ng kilay ko. Hindi bibo ang tono niya. At nakakairita na para niya akong inuutusan sa sinabi niya.
"Levi, padaanin mo siya." Narinig ko ang boses ni Andela mula sa likod ko at agad iyong tinignan ni Levi.
"Nope. You're not gonna ditch again." Matigas niyang sabi.
Napansin kong tumatakbo papalapit si Ercole. Nasa bandnag likod siya ni Levi kaya hindi siya napansin ng lalaki.
"Boss, nasa baba na yung kotse ni Lord Zoran." Sabi nito at para namang nanigas sa kinatatayuan niya si Levi. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makalagpas sa kanya.
"Thanks Ercole." Sabi ko saka tinapik ang balikat nito.
Iniwan ko silang tatlo doon at hindi na inisip kung ano ang pwedeng mangyare. Kung mayron man silang kailangan, iyon ay ang mag usap ng maayos.
Madali akong bumaba sa main gate at nakita ko ang Highlander ni Zoran. Pumasok na ako agad doon at nakita siya sa driver's seat.
"Kamusta?" bati niya.
Isinuot ko ang seat belt bago sagutin ang tanong niya.
"Eto, problemado." Sabi ko.
"Problemado saan?" tanong nanaman niya. Sinimulan na niyang mag drive at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
BINABASA MO ANG
Teach me how to Mafia
Hành độngThere will always be a lesson that will completely change our lives, the lesson I had happened to wreck havoc in my life and everyone involved.