Pagkarating sa bahay ay bumaba na agad ako sa kotse ni Zoran dahil nagugutom ako at kailangan kong hanapin si Jilad dahil masarap siyang magluto.Binuksan ko ang pinto at pumasok. Sumunod sa akin si Zoran habang nakasunod naman sa kanya sina Ares at Zaire.
Naamoy ko kaagad ang niluluto ni Jilad kaya dumiretso ako sa kusina. Ang bango!!
"I'm home!" bati ko sabay sulpot sa kusina. Nakatayo ako sa likod ni Jilad at dinudungaw dungaw ang niluluto niya. Jusko, ang bango!
"Oh! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa uwian niyo ah?" tanong niya saka pinatay ang stove at kumuha ng mga kubyertos.
"Ah, he-he-he. Hinanap ko kasi si Zoran eh." Sabi ko. Tinulungan ko na siyang maghanda, kumuha na ako ng mga plato. Teka, bakit pala ang dami nitong niluto niya?
Pinuntahan ko ang rice cooker namin, puno! Ang dami niyang sinaing. Isang buong araw bang hindi kumain itong tiyuhin ko kaya madami siyang niluto at kailangan niyang bumawi ng kain?
"Pre." Narinig ko ang boses ni Zoran. Sabay kaming lumingon ni Jilad, sumagot siya ng pagbati at bumalik sa ginagawa. Pero agad niya iyong itinigil nang marinig ang boses ni Ares.
"Hi, Jiji!" Halata ang gulat at saya nah along rumihistro sa pagmumukha ni Tanda. So magkakilala din sila? Ganun? Ay ah! OP nanaman yata ako mamaya sa hapagkainan.
"Ares!" inilapag ni Jilad ang bowl na hawak niya at lumapit kay Ares. Nagyakap sila na parang ang tagal nilang hindi nagkita.
"Goodness! Ang laki mo na." saad ni Ares na ikinatawa nila.
Hinain ko yung ulam habang nag-uusap sila sa tapat ng kusina, si Zaire ay nasa living room at nakaupo. Tahimik lang siya doon at mag isa kaya naman tinapik ko ang balikat niya at inaya siya na sa dining na maupo, kakain na rin naman kami.
"Grabe Ares. Ilang taon ba kitang hindi nakita? 7? 8 years?" napalingon ako sa kanila dahil sa narinig ko. Ganun na sila katagal na magkakilala?
Alam kaya ni Jilad na Mafioso ang mga ito?
"Boss?" napalingon ako kay Zaire sa bandang likuran ko.
"Ah—ano, wag mo na akong tawaging boss, Zaire." Sabi ko dito. Baka kasi marinig siya ni Jilad, kung ano pa ang isipin ng matandang iyon.
"Ha? Bakit naman, boss?" err. Sabi ng wag akong tatawaging boss e, baliin ko leeg neto e.
"Kasi baka marinig ka ni Jilad. Tsaka bukod sa hindi bagay sa akin ang tinatawag na boss, e hindi pa naman ako ang boss. Just call me, Priam. 'Kay?" tanong ko dito. Hindi ko malaman kung naintindihan ba niya ako pero tumango lang siya sa sinabi ko.
I felt quite relieved after that. Bukod sa hindi maririnig ni Jilad iyon ay hindi ko din maaalalang may mga Mafioso sa buhay ko.
Itinuloy ko ang pag aayos ng hapag habang nagku-kwentuhan sila. They sure have a lot of catching up to do.
Nang matapos ako sa pag aayos ay pinuntahan ko na sila para ayaing kumain, kasabay kong pumunta doon si Zaire. Hindi ko na siya pinansin pero hindi ko mapigilang lumingon ng tawagin niyang 'Uncle' si Jilad.
"Ang tangkad mo na ah? Ilan chix mo?" umakbay si Jilad kay Zaire n nakayuko, siguro ay nahihiya sa pinagsasasabi ni Tanda.
"Uncle talaga, wala po akong chix. Napupusuan meron." Pagpatol ni Zaire na ikinatawa nila.
Nahagip kong nakatingin sa akin si Zoran kaya sumenyas ako na handa na yung pagkain kaya siya nalang ang mag-aya sa tatlo na pumunta na sa dining room.

BINABASA MO ANG
Teach me how to Mafia
ActionThere will always be a lesson that will completely change our lives, the lesson I had happened to wreck havoc in my life and everyone involved.