Training went on, the longer it goes, the harder it gets. The bracelets and anklets are so heavy but I am actually feeling accustomed to it.
My body pain hasn't gone yet. Well, ano pa bang aasahan ko, my training gets harder each second, kaya panigurado mas malalang fatigue ang nakukuha ko mula doon.
Everyone at school is busy. Levi asked me to participate on our booth. I declined but the great Zoran insisted na tumulong ako, so I did. Nagbubuhat lang naman ng mga gamit e. Others are on the operations while I go with the guys to carry workload.
I'd prefer this, ayokong sumama sa mga maaarte kong kaklase. Baka makasapak ako, jusmeh.
For the past few days iniisip ko kung paano ko ba magagamit in real life situation yung ginagawa naming training ni Zoran, tapos maaalala ko yung nangyare noong una kong nakilala si Zoran.
Nag-iinit ang ulo ko pag naiisip na nagkaron ako ng pasa sa mukha dahil sa isang gangster. Pero kahit siguro ngayon, feeling ko pag may humarang sa aking gangster at makipag away ay aalis ako.
I seriously do not know how to use my strength in a fight. Ayoko ding mapaaway noh. I can strike a stationary opponent, pero yung nagalaw at sumusuntok din? Tangina, no thanks.
"Priam, pakuha nung gray na box sa may storage. Kulang na kasi yung mga gamit dito." Saad nung isang babae na sa tingin ko ay kaklase ko. Tumayo ako at lumakad palabas pero hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay nagsalita ulit siya.
"Ay Priam, wait. Pasama ka kay Levi, dalawa na kunin niyo. Thank you." Tumango ako at nakita si Levi na papalapit sa akin. Ngumiti siya sa akin pero dumiretso na ako sa labas.
Umakyat kami sa 4th floor, per year level kasi ay may storage room sa corresponding floor nila. Kaya doon namin kukunin ang mga gamit.
Unfortunately, public school lang ito at walang elevator, kaya naman nakakapagod ang maglakad paakyat, sakit sa binti jusko. Hindi pa nga nawawala ang muscle pain ko ay nadadagdagan nanaman.
Nang makuha namin ang dpat makuha ay naglakad na kami pabalik. Tahimik lang si Levi at parang hirap na hirap sa bitbit. Nahiya naman ako sa kanya.
Kumpara sa bitbit niya ay mas nahihirapan ako noh. Nasa tig sampung kilo na halos ang bigat ng mga bracelets ko. Pahirap sa buhay.
Nasa bandang second floor kami ng may nakita kaming kumpulan at nakadungaw silang lahat sa open field. Anong meron?
Nakita kong nakatingin sa akin si Levi, saka siya nagtanong ng "Tignan natin?" tumango ako bilang sagot at pumunta sa terrace na tanaw ang open field.
May nakatayo na limang lalaki sa gitna. Yung apat ay nakaharap sa isang lalaki, parang may pinag uusapan sila.
"Kilala mo sila?" tanong ko kay Levi. Nakakunot ang noo niya at halatang dismayado habang nakatingin sa baba.
Sinundan ko ang tanaw niya at doon siya naka tingin sa nag iisang lalaki na kausap nung apat.
"Levi!" tawag ko dito. Dismayado at inis ang masasabi kong nakarehistro sa mukha ni Levi. Anong problema nito?
Inilapag ko saglit ang bitbit ko at pinalo ang balikat niya.
"Levi!" Natauhan naman ang loko at agad na tumingin sa akin.
"Ah-ano.. Ha? May sinasabi ka?" nawala ang kanina niyang ekspresyon at bumalik yung pagka cheerful niya. Ganunpaman ay bakas pa din ang awkwardness sa boses niya habang kumakamot sa batok niya at hawak sa isang kamay ang box.
Teka, paanong nahahawakan niya ang box na yan sa isang kamay lang?
"Priam?" tawag niya. Bumalik ang atensyon ko sa nag aaway sa gitna.
BINABASA MO ANG
Teach me how to Mafia
ActionThere will always be a lesson that will completely change our lives, the lesson I had happened to wreck havoc in my life and everyone involved.