Days after Zoran's 'You need to trust me' spiels seems to be usual.
Kaso nga lang, ang hinayupak ay halos dito na din tumira sa bahay namin. Para lang siyang nagsayang ng pera sa pagbili niya ng bahay sa katabi namin kasi dito din naman pala siya kakain at tatambay.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin.
"I'm always okay." I replied while sitting down.
"Mukhang nagiging close kayo ah." Jilad butted in. "Zoran, wag mong bubuntisin pamangkin ko ah. Bata pa yan." Naibuga ko ang iniinom kong gatas dahil sa narinig ko mula kay Jilad.
Si Zoran naman ay kumakamot ng batok habang.. uh—gwapong tumatawa. Lintek!
"Hoy! A-anong tinatawa tawa mo diyan?" awkward kong tanong. Bigla naman siyang tumigil sa pagkamot ng batok at ngumuso na parang babaeng nagpapalambing.
"He was joking, it was just rightful to laugh, Priam. Anong kinakagali—wait, are you thinking na bubunti—"
"Don't even say it, Zoran." Hirit ko. Ghad! Just thinking about it gives me goosebumps. Zoran and Jilad's laughter embraced the whole dining. Dang. Nakakahiya.
"Manahimik kayong dalawa!!" Hiyaw ko. Pero hindi sila natahimik. Hindi rin tuloy mawala sa isip ko yung bagay na yon. Parang biglang uminit pa ang paligid.
"Stop thinking about that, Priam. I won't bed a chopping board." Napa-woah si Jilad habang nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Zoran.
Tangina neto ah. Tumayo ako sa kinauupuan ko at binagsak ang mga kamay ko sa lamesa namin.
"Gago ka ah! Nakikikain ka na nga dito tas tatawagin mo pa akong chopping board? Pakyu ka! Lumayas ka sa pamamahay ko." Kapal ng mukha ng hayop na to.
Sinulyapan ko ang dibdib ko, tangina may boobs naman ako ah. Inaano ba siya nito? Kainis.
Saglit silang natahimik pero tumawa nanaman silang dalawa sa pangunguna ng tyuhin ko.
Letse!
"Scary, man!" komento ni Jilad.
"Manahimik ka, tanda!" banta ko, and this time seryoso na ko. Nakakainis kasi yung tawa nila e. Masyadong mapang asar.
"Sor-pfft.. Sorry na." hinging paumanhin ni Zoran kahit halata namang hindi pa niya nauubos ang tawa niya. Malagutan ka sana ng hininga, letse kang gwapo ka.
"Hayyy, anyways. I better go. May kailangan akong puntahan ngayon. Iwan ko muna kayo." Biglang hirit ni Jilad saka umalis matapos higupin ang natitira niyang kape.
"Ingat, pre." Paalam ni Zoran. Umalis na din ako ng dining para umakyat sa taas. Walang pasok ngayon, kaya pwede akong matulog, o baka manunood nalang ako ng anime.
"Priam, may kailangan tayong pag usapan." Saad ni Zoran na parang walang nangyaring asaran at tawanan. Bilis naman nilang maka move on, samantalang ako naiinis pa din.
"Tungkol saan?" Kaswal kong tanong.
"The usual thing. But this time, you need to know more. I can't leave the boss oblivious about her own family." So, it's about Mafia again. Bumuntong hininga ako, at saka lumakad pabalik sa upuan ko.
Sa hindi malamang dahilan ay pumayag ako sa gusto ni Zoran. Ewan ko ba, basta nung sinabi nya na kailangan ko lang magtiwala sa kanya ay parang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.
Though hindi totally nawala ang takot ko ay nabawasan naman ito. Hindi na kagaya ng dati na kulang nalang ay limliman ako ni Jilad para lang makapagtago ako.

BINABASA MO ANG
Teach me how to Mafia
AksiThere will always be a lesson that will completely change our lives, the lesson I had happened to wreck havoc in my life and everyone involved.