5

176 11 2
                                    

School activities have been turning up for the past few days, Wednesday pa lang ngayon pero grabe na ang preparations for next week.

I haven't seen Zoran since last Saturday. Matapos naming mag usap tungkol kay tandang 69th at tungkol sa Zaccardi ay hindi ko na ulit siya nakita.

Hindi siya nakikikain sa bahay namin at wala ring tao sa bahay niya. Nang itanong ko naman kay Jilad ay inasar muna niya ako bago sabihing hindi niya alam kung nasan si Zoran.

Lagi ko ding tinitignan ang paligid ko kasi baka nasa gilid gilid lang siya at lumalandi, pero wala. Hindi ko talaga makita kahit anino niya.

Dumaan sa harap ko si Levi na napaka daming hawak na gamit. This guy's pretty amazing. Napaka dedicated sa school, siguro pag namatay to gusto niya e sa school pa ilagay ang puntod niya.

Nakakaawa ang itsura so I offered him a hand. Malapit na kasi talaga bumagsak yung bitbit nya.

"Hey, I'll help you." Sabi ko, huminto naman siya at kinuha ko na ang iba niyang dala.

"Why do you carry so many things at once? Di ka na magkanda ugaga kanina." I asked as we walked down the hallway.

"Ah—konti lang kasi kaming kumikilos and we need to patch things on a freaking rush mode. Kaya I'm trying to bring as much from the storage to the booths." Sagot lang niya. Medyo bumagal pa siya dahil pababa na kami ng hagdan.

Seriously, if I am a weakling, this guy's a total nut. Parang hindi lalaki ang isang to.

We reached the booth 10 minutes later. And to my surprise, lima lang ang tao doon, six of them including Levi.

"Dahek. What kind of club is this? Anim lang kayo?" histerikal kong tanong matapos ibaba ang mga gamit na bitbit ko.

Rinig kong tumawa si Levi sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

"Anong nakakatawa?"

"Hindi ito org, Priam. This was supposed to be a booth organized by our class." Nakangiti niyang sabi, medyo hinihingal pa siya habang nagsasalita.

Our class? Teka, classmates kami ah. Ba't wala akong alam?

"..I was lucky to actually have five men helping me." He shyly acknowledged. Aww, that's cute.

"Drama mo Levi. Tara na, alas kwatro na, dami pa nating gagawin." Someone proclaimed.

I bid them goodbyes and slowly went out. I don't wanna drag my ass to the workload although I knew I'm partly responsible for it.

Napatingin ako sa orasan ko at nakupirmang pasado alas kwatro na. I tried scanning faces that walks into my vision pero wala pa din, hindi ko makita si Zoran. Saan naman kaya nagsuot ang isang yun?

I decided to just go home since wala naman na akong importanteng gagawin. But as I walk towards the front gate ay nakita ko si Mang Richard na papalabas din.

"Mang Richard!" bati ko dito.

"Oh Priam, ikaw pala." Aniya nang huminto siya para lingunin ako. Tumakbo ako patungo sa kanya at saka siya binati.

"Musta na Mang Richard? Long time no see." Ani ko sa kanya.

"Oo nga e. Tagal mo nang hindi nadaan sa likod. Balita ko bantay sarado ka daw nitong mga nagdaang linggo? Nobyo mo ba iyon?" Bahagyang tumawa ang matanda at tinignan ang nagtataka kong mukha.

Sinong nobyo? May nobyo pala ako?

"Oy, Priam. Natutulala ka diyan." Utas niya saka ginulo ang magulo ko nang buhok.

Teach me how to MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon