Alexander's PoV
Nandito ako ngayon sa aming garden dito sa school at nananatiling naka-upo. Kasama ko kasi ngayon ang babaeng kanina ko lang nalaman na gusto ko na pala.
"Alex, ano na nga yung sasabihin mo?" Nagsalita na ang baaeng katabi ko ngayon. Si Noela.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit nagkagusto ako sa Noela na 'to? Ang alam ko kasi, inis na inis ang pogi kong pagkatao sa mga babaeng may personality katulad ng personality niya e. Kaya pinagtataka ko talaga kung bakit nagkagusto ako sa Noela na 'to?
Di kaya, ginayuma ni Noela ang gwapo kong mukha?
Pero hindi, di naman marunong magluto o sa kung ano pa man sa pagkain si Noela e. Hindi niya ko magagayuma. Pero bakit kaya ako nainlove sa kanya?
"Baka lumaki ang ulo mo kapag sinabi ko?" Pa-biro akong nagsalita.
Minsan, kasi nagbibiro ako kapag kinakabahan. Inaatake kasi ang pogi kong katauhan ng kaba sa mga oras na ito. Well, sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung magtatapat ka na sa taong mahal mo? Wala naman 'diba?
"Gago. Assuming ka namang la-laki ang ulo ko sa sasabihin mo, ikaw nga malaki ang ulo e." Tugon sakin ni Noela. Eto na naman po siya, lumalaban na naman. Ayaw ko talaga sa personality niya pero pakiramdam ko, unti-unti ko nang nagugustuhan iyon.
Ganun ba kasi talaga kapag inlove? Lahat ng gusto o kung ano pa man sa taong mahal niya, nagugustuhan niya?
"Minumura mo ko?" Asik ko kay Noela.
Bahagyang kumunot ang noo niya atsaka nag-form ang labi niya sa isang ngisi. Para san naman kaya ang ngisi niya?
"Oo. Minimura kita, karapat-dapat naman 'diba?"
Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Aba, porket pogi ako kailangan dapat na kong minumura? Pogi abbuse naman yun masyado.
"Grabe ka naman. Nakakasakit ka ng damdamin a?" Atsaka ako umarte ng nasasaktan. "Di mo ba alam, na kahit pogi nasasaktan rin? Pogi ko talaga!" Dagdag ko pang saad.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung san ako nagmana ng kayabangan. Aminado naman kasi ako sa sarili ko na medyo mayabang ako dahil gwapong-gwapo ako sa sarili ko. Pero kasi totoo naman yun, pogi naman kasi talaga ako.
"Kung nakakadagdag lang sa kasalanan ng isang tao ang pag-aassume, siguradong umaapaw na ang kasalanan mo!" Asik sakin ni Noela.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.