Noela's PoV
Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay sumapit na ang first monthsary namin ni Alex. Meaning, isang buwan na ang nakalilipas mula nung maging kami.
Bakit kaya ganun, noh? Bakit kapag kasama mo ang taong mahal mo, parang ang bilis bilis ng oras? Pero kapag hindi mo naman ito kasama parang sobrang bagal ng oras. Parang nangiinis yung oras eh. Kung kelan gusto mong tumagal, atsaka bibilis, kung kelan mo naman gustong bumilis, atsaka ito babagal.
Pero anyways, nandito nga pala ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga pa rin sa aking kama. May pasok kami ngayon, pero tinatamad akong pumasok. Kahit medyo pala-aral ako, tinatamad talaga ako eh. Tsk. Ang hirap din kasi ng buhay estudyante e.
*kringgg, kringgg*
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa ko nang bigla itong mag-ring. Kinuha ko naman ito at tiningnan kung may tumatawag ba. At tama nga ako, si Alex, tumatawag.
"Hello?" Saad ko sa kabilang linya nang pinindot ko na at sinagot ang tawag.
"Good morning, boss ko. May naalala ka ba ngayong araw na to?" Sabi naman ni Alex.
Bahagya akong natawa kahit wala namang nakakatawa. Saka ako nagsalita, "Wala eh" saad ko.
Narinig kong nagbuntong-hininga si Alex sa kabilang linya. At yung buntong hininga niya, para bang ang lungkot. Siguro, nalulungkot siya dahil akala niya hindi ko naalala yung monthsary namin ngayon. Kung alam lang niya, tandang tanda ko pa kamo na monthsary na namin ngayon. Sadyang niloloko ko lang talaga siya.
"Still there?" Wika ko nang wala nang nagsasalita sa kabilang linya.
"Tsk" at pagkatapos nun, ay pinatay na ni Alex yung tawag.
Mukhang nabwisit yata sakin yung mokong na yun, haha. Ano ba kasing sumapi sakin, at niloko-loko ko pa siya? Na-beast mode tuloy!
---
Alexander's PoV
Padabog kong inilapag yung cellphone ko sa lamesa rito sa kusina, dahil sa pagka-inis. Totoo bang hindi niya naalala na first monthsary namin ngayon? O sadyang hindi lang talaga niya inalala dahil hindi mahalaga sa kaniya yun?
Sakin, kasi mahalaga yun eh. Kasi, ito yung unang buwan nang pagiging magkarelasyon namin. Ng pagiging lovers.
Tapos hindi niya maalala? Tsk. Aga-aga, umiinit ulo ko.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.