Noela's PoV
Nagising ako na merong mugtong mugto na mga mata. Malamang, dahil sa kaiiyak ko kagabi.
Hays. Di ko alam kung papasok pa ba ko ngayon, seryoso. Wala na sakin yung exciteness pumasok? Kasi I know that this is the end. Baka nga kapag nakita pa ni Alex na sweet kami mamaya ni Johnrei, siya na mismo ang makipag-break eh.
Kaasar kasi! Bakit sa'kin pa nangyari ito? Yung pipiliin mo yung taong hindi mo mahal kasi kailangan? Yung meron ka ngang choice kaso ang liit? Nakakainis.
Ngayon yung time na hinihiling ko nalang na pumanget ako. I'm not saying that I'm pretty but I know to myself that I'm not also ugly. Kaya nga hinihiling ko na maging ugly na lang ako. Para hindi na ko magustuhan nung hayop na Johnrei na 'yun.
Gusto kong umiyak! Gusto kong magkulong nalang rito sa kwarto buong magdamag! Naaasar kasi ko.
*kringgg, kringgg*
Tiningnan ko bigla yung phone ko nang bigla itong umilaw at tumunog. May tumatawag pala. Ang aga aga eh.
Pagtingin ko sa phone ko, nakita kong si Johnrei ang tumatawag. At dahil asar ako sa kanya, pinatay ko ito.
Ngunit tumawag ulit siya. At this time, may text pa siya.
In-open ko yung message.
Sige, wag mong sagutin ;)
Nang mabasa ko yung message ay napataas ang kilay ko. Sige, wag sagutin? Hindi ko talaga sasagutin, kingina!
Kaya ang ginawa ko, ay in-end ko yung tawag, sabay off ng phone. Tapos ay pumunta ko sa may tapat ng salamin.
Mugto yung mata ko, nung tiningnan ko sa salamin. Alam ko naman ng mugto, kaso, ang wild kasi ang laki. Mala-ipis ang laki.
Buti nalang hindi maitim. Kasi kung maitim, hindi talaga ko papasok. Maputi kasi ko kaya syempre pansin na pansin yung itim.
Kung maitim rin, hindi ako magsha-shades. Mas magmumukha kasi kong maganda kung magsha-shade pa'ko. Edi nafall na lalo si Johnrei. Nakakaasar talaga!
Wala naman na kong gagawin sa harapan ng salamin kaya naman, dumeretso na ko sa banyo at naligo.
At nagsimula na rin akong gumayak matapos.
---
Alexander's PoV
Ano kayang nangyari kay Noela kagabi? Bakit parang naiiyak siya?
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomantizmPagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.