Kabanata 08

128 37 10
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Halos isang minuto akong naka-nganga dahil sa sinabi at inasta ni Noela.

Putek? Totoo ba na sasabihin niya na yung mahal niya sa araw na birthday niya? Bigla tuloy akong kinabahan.

Paano kung hindi ako yung mahal niya? Siguro, sobrang masasaktan ako doon. Pero ano bang magagawa ko? Eh sa iba nga yung mahal niya eh.

Basta sa araw na sabihin ni Noela yung mahal niya, hindi ako magagalit sa kaniya. Kahit hindi ako yung mahal niya, hindi pa rin ako magagalit. Pero mas maganda sana kung ako ang mahal niya haha.

Nag-buntong hininga nalang ako atsaka nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na muna iisipin kong sino yung mahal ni Noela mula ngayon. Para naman exciting kapag nalaman ko at syempre para na rin iwas sa kaba. Edi kung lagi kong iniisip yun, edi mahihirapan ako. Lagi kasi akong kakabahan kapag ganun. Pero hindi ko naman maiiwasang mapa-ngiti dahil rin doon.

Paano kung mahal naman niya ko? Oh, edi masaya. Kaya hindi na ako kakabahan. Think possitive lang.

Tumayo na ako sa cafeteria at iniwan na yung pagkain ko. Ubos na rin naman kasi yung pagkain ko kaya maari na akong umalis.

Nang makatayo na ako at palabas na ako ng cafeteria ay hindi ko maiwasang mapa-ngiti.

Naalala ko kasi yung moment namin ni Noela kanina pati yung pagpayag niya na ligawan ko siya. Sobrang saya kaya nun.

Nagtuloy nalang ako sa paglabas sa cafeteria. Hindi ko na binaling pa ang tingin ko kahit kanino man.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating na ulit ako sa room

Pagdating ko sa room ay dumeretso agad ako sa assigned seats ko. Hinanap ko pa kung nasaan si Noela ngunit hindi ko naman siya nakita. Saan kaya nanggaling yun?

Napagdesisyunan ko na mag-instagram na lamang. I-istalk ko nalang si Noela katulad ng ginawa kong pang-stalk sa kanya kahapon.

In-open ko yung phone ko atsaka in-open ang app kong instagram. Nang i-istalk ko na sana si Noela wala namang nag-load na picture kaya napakamot nalang ako ng ulo. Bakit ba kinalimutan ko pa yung wifi ko? Bwiset naman.

"Sino dito may dalang wifi? Pa-connect" bigla akong sumigaw sa aking mga kaklase. Nyemas, kakainis. Dapat dinala ko yung wifi ko eh. Kung kelan ko kailangan atsaka ko pa hindi nadala. Kaasar.

Sabay sabay na nagtaasan ng mga kamay ang mga kaklase ko.

"AKO!" sabay-sabay pa nilang sigaw. Napaka-sikat at pogi ko talaga rito sa room. Kita niyo naman, o! Nung naghanap ako ng wifi, naglabasan agad ang mga wifi nila. Oh diba?

"Open niyo. Dali! Una-unahan kayo" natatawa-tawa kong saad. Ang mga ugok naman, nag-una unahan ngang mag-open. Haha. Sunod-sunuran sila sakin.

Ginalaw ko nalang ang cellphone ko at finocus dito ang aking atensyon. Binuksan ko ang wifi ko, at agad agad naman akong naka-connect.

Nang maka-connect ako ay nag-open ako ng instagram at tiningnan ko kaagad ang mga pictures ni Noela. Hindi talaga siya nakakahiya o nakakasawang tingnan!

Patuloy ko pa ring tinintingnan yung pic ni Noela. Cute. Maganda. Yun lang ang masasabi ko sa picture iya. Napaka-perfect din niya kung tingnan.

Bumuntong hininga ako habang tumitingin ako sa pictures ni Noela. May iba pa siyang pictures na naka-ngiti kaya naman pinagpawisan ako dun. Ewan ko ba sa pawis ko. Lagi kasing tumatagaktak kapag nakikitang ngumingiti si Noela. Ayan tuloy, halatang halatang naaano ako kapag ganun. Tsk.

Maya-maya lang rin ay dumating na ang prof. Sinilip ko ang buong room para hanapin si Noela pero wala siya dun. Napansin ko ring wala si Johmwell sa room.

Putspa! Baka naman magkasama yung dalawang yun? Tsk.

Napa-isip agad ako dahil sa naisip ko. Hindi naman siguro magkasama yung dalawang yun, at kung magkasama man wala naman sigurong masamang mangyayari. Atsaka isa pa, wala naman daw gusto si Johmwell kay Noela eh. Kaya lang, paano kung si Noela, may gusto kay Johmwell?

Wag ko na nga lang isipin 'yun! Tsk.

Tumingin nalang ako sa Prof na nagdidiscuss sa harapan. Pinilit kong makinig pero naaalala ko lang naman si Noela kaya nakakainis.

Dahil tuloy sa inis, naisipan kong i-text si Noela.

Oy!

Nag-type ako ng text sa cellphone ko at isinend ito sa number ni Noela. Buti naman at na-send.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

May isang text pero hindi naman galing kay Noela, imbis galing ito kay Shoe. Bat naman nag-text pa itong mokong na to? Eh kasama ko lang naman siya rito sa room?

Hindi ko nalang binuksan pa yung text na nanggaling kay Shoe. Makaraan naman ang ilang minuto ay hindi pa rin nagre-reply si Noela kaya napag-desisyunan kong tawagan nalang siya.

Sana naman hindi sila magkasama nung mokong na Johmwell na yun! Aba, kahit naman hindi mahal ni Johmwell si Noela, may posibilidad pa rin na mahalin niya ito. Ang dali lang kayang ma-fall kay Noela. Maganda kasi siya at kahit papaano maganda naman ang personality niya kahit ayaw ko yun dati. Tsk.

Tinawagan ko na si Noela ngunit nag-ring lang naman ang phone niya at wala man lang sumagot. Luminga-linga pa ako sa room ngunit wala namang nakatingin kahit isa kaya, tinawagan ko ulit si Noela.

Tinawagan ko si Noela at katulad kanina ay nag-ring lang ulit ang phone niya. Ba't ba hindi niya sinasagot?

Bumuntong-hininga nalang ako at sinubukang kumalma at hindi na nag-isip ng kung ano ano.

Hindi, Alex. Hindi kasama ni Noela si Johmwell. Wag kang ano ha! Wag kang kabahan!

 Wag kang ano ha! Wag kang kabahan!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon