Kabanata 15

176 28 35
                                    

Noela's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noela's PoV

Hindi ko alam kung OA pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang init sa aking mukha. Nyeta, sa tuwing maaalala ko yung napag-usapan namin ni Alex, nag-iinit ang mukha ko. At mas lumevel-up pa dahil ngayon, pinagpapawisan na ko. Pati nga yung kili-kili ko namamawis e, joke! Haha.

Umayos ako ng higa sa kama ko. Bigla kong naalala nung unang na-inlove ako kay Alex.

Naglalaro kami kasi ng volleyball ng mga kaklase ko nun. Naglalaro kami hanggang sa mapalayo yung bola at tinamaan si Alex. Nang makita ko si Alex, talagang nagwapuhan ako sa kanya. As in. Ang gwapo. Pero hindi ibig sabihin nun, ay nagkagusto na ko sa kanya nung mga panahon na yun.

Mabilis lumipas yung mga araw nun. Tapos nung time na kumakain ako dun sa may cafeteria, nakita ko yung kaibigan ko habang kausap si Alex atsaka yung isa pang lalaki. Umiiyak yung kaibigan ko nun, tapos akala ko pinaiyak siya ni Alex kaya lumapit ako sa kanila at sinampal ko si Alex. Pero napag-alaman kong mali pala ko, dahil yung isang lalaki pala yung nagpaiyak sa bestfriend ko. Niloko daw kasi. At isa pa, napag-alaman ko pang si Alex ay pinagtanggol lamang yung kaibigan ko.

Sobrang kaba ko nun dahil sa nagawa kong pagsampal kay Alex. Sikat kasi siya sa school. Tapos naging kaklase ko siya at seatmate pa nung sumunod na taon at dun. Dun na nagsimulang ma-fall ako sa kanya.

Sa totoo nga, hindi ko inaasahan na mamahalin at liligawan niya ko eh. Hindi ko talaga alam. Pero sobrang saya ko nung nagtapat siya sakin. Talagang masaya ko nun.

Bigla akong nabalik sa wisyo ng marinig kong nag-be-beep yung phone ko. Si Alex pala, tumatawag.

"Hello?" Pambungad ko sa kabilang linya.

"Hello"

"Bakit ka napatawag?" Saad ko

"Ala, mag-g-goodnight lang ako. By the way, I love you pala" at ano pa nga bang aasahan ko? Pinatay na naman ni Alex yung telepono at naramdaman ko na namang nag-init ang mukha ko.

Kelan kaya balak tumigil ng mukha ko sa pag-iinit? Nakakainis na ah!

Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit matulog. Naka-tulog din naman ako.

---

*ting*

Nagising ako dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Tiningnan ko iyon at may text pala galing kay Alex.

From: Alex

Pumasok ka, Noela ah! Ipagkakalat ko pa na mahal kita sa buong school.

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon