Kabanata 14

118 28 13
                                    

Noela's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noela's PoV

Yari na ang klase at nandito ako ngayon sa parking lot kasama si Alex. Aba, ang mokong naman kasi! Sinabi sakin na responsiblidad daw niya na ihatid ako dahil daw boyfriend ko siya. Wala naman na kong nagawa dahil bigla na niya kong hinigit dito. Tsk.

"Oh Alex? Ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Paandarin mo na kaya yung kotse!" Asik ko ng nasa loob na ako ng kotse. Hindi pa kasi pinapaandar ni Alex yung kotse eh. May plano atang dito na matulog, leche!

"Easy, easy lang. Ms. Villanca na soon to be Mrs. Lopez, hahaha" at ayun na naman. Katulad kanina sa cafeteria, bigla na namang nag-init ang mukha ko. Takte talaga! Kelan ba titigil itong mukha ko na ito sa pag-iinit? Aba, pang-apat na beses na ata itong uminit sa araw na ito. Leche, ah!

"Ay, Noela. Ilusyon ko lang ba to o talagang nakikita kong namumula yung pisngi mo? Kinikilig ka ba sa sinabi ko?" Ngumisi pa si Alex pagkasabi niya ng salita na iyan.

Bigla akong tumingin sa salamin ng kotse at sinilip kung namumula nga ako. At napapikit na lang ako dahil namumula nga. Bwiset.

"Hindi ah! Hindi ako kinikilig. Mandiri ka nga, Alex!"

"Eh bakit ka namumula?" Natamaan ako bigla sa tanong niya. Bakit nga ba ko namumula kung hindi ako kinikilig? Edi inamin ko na nga sa sarili ko na kinikilig ako? Ang gulo ko, syete!

"Wala ka na dun! Paandarin mo na nga yung kotse" inis na asik ko. Iniwas ko na rin yung tingin ko at tumingin nalang sa labas ng kotse.

Pinaandar na rin ni Alex yung kotse. Walang nagsasalita sa aming dalawa at talagang nakakabanas ang katahimikan kaya nagsalita na rin ako.

"Alex" pagtawag ko sa pangalan niya. Nakita ko naman siyang bahagyang ngumiti. Ba't naman kaya ngumingiti itong mokong na to?

"Bakit ka ngumi-ngiti mag-isa? Baliw ka ba?" saad ko.

"Hindi!" Tugon niya.

"Eh bakit ka nga ngumi-ngiti mag-isa?" Saad ko pa. Hindi daw siya baliw pero nangingiti mag-isa. Siraulo tong mokong na to.

"Ahh.. naisip ko lang kasi na ang saya pala kapag minahal ka pabalik ng taong mahal mo. Naisip ko-- no scratch that. Naramdaman ko na ang saya pala dahil minahal mo ako" at sa banat ni Alex na yun, napa-ngiti na lang ako.

Ang galing-galing talagang magpakilig ng isang 'to.

---

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon