Alexander's PoV
Tinawagan ko na ulit si Noela sa ikatlong pagkakataon. Hindi pa rin kasi ako mapakali dahil hindi niya sinasagot yung tawag eh. Bwisit. Tsk.
Nang tawagan ko na naman ulit si Noela sa phone, ay mabuti at sumagot naman siya.
Buti naman at sumagot na itong babaeng to. Kanina pa kasi ko tawag ng tawag tapos di niya nasasagot eh.
"Bakit?!" Malakas na sigaw agad galing kay Noela ang bumungad sakin mayari niyang sagutin yung tawag.
Galit ba 'tong babaeng to? Sobrang high blood eh. Kahit kelan talaga.
"Bakit di mo sinasagot yung tawag ko kanina?" Nakangiting tugon ko. Nang narining ko kasi yung boses niya, ewan ko ba at bigla na lang akong napa-ngiti.
Mahal na mahal ko na talaga siya.
"Basta"
"Anong basta?" Tanong ko.
Basta? Wala akong alam na lugar na 'basta'? Anong basta ang sinasabi nito?
Wag ka ng pilosopo, Alex. Para kang timang!
"Tanga. Ayoko ngang sabihin!" Nangigilaiti niyang saad.
Napatawa na lang ako ng bahagya. Siguro sa ngayon, inis na inis na yung mukha ni Noela. Mabilis kasing mapikon yun eh.
"Bakit ka naka-sigaw?" Yaan ang lumabas sa bibig ko nang kinausap ko si Noela. Wala lang, gusto ko lang mapakalma yung usapan? Kung kumalma nga.
"Tsk" narining kong nag-buntong hininga si Noela at narinig kong umiri rin siya.
Puta? Para san yung iri niya na yun?
"Ba't ka umiiri?" tanong ko kay Noela. Takte, hindi ko maimagine yung mukha ni Noela kapag umiiri. Ano kayang itsura nun? Haha.
"Wala. Hindi iri yun, utot lang" sagot ni Noela. Napatawa na lang ako sa sinabi niya.
Bakit kaya hindi nagde-deny tong isang to ngayon? Kadalasan kasi kapag may tinatanong ako sa kanya, lagi siyang nagde-deny eh. Buti ngayon, hindi.
"Magkasama kayo ni Johmwell?" Di ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko. Kating kati talaga yung dila kong sabihin at tanungin kung magkasama ba sila ni Johmwell. Bwiset.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.