Epilogó

84 8 2
                                    

Alexander's PoV

2 months.

Dalawang buwan na mula nung nangyari yun. Dalawang buwan na mula nung naging sila. At dalawang buwan na ring hindi ako buo.

I feel incomplete.

Feeling ko hindi ako buo. Feeling ko may kulang sa pagkatao ko. May hinahanap-hanap ako.

Sino pa nga ba yun? Edi syempre si Noela.

Si Noela na mahal na mahal ko pero pinagpalit lang ako sa gunggong na transfer na yun.

Masakit.

Kahit dalawang buwan na mula nung nangyari yun. Masakit pa rin.

It was supposed to be our third monthsary but yeah. Wala. Wala na siya sakin. Nasa kaniya na.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko, kung san ba ko nagkulang. Minsan tinatanong ko sa sarili ko, kung may nagawa ba kong mali. At minsan rin, tinatanong ko ang sarili ko, kung hindi ba talaga ko karapat-dapat para sa kanya.

Kasi ang bilis.

Isang month palang kami, pero may iba na siya agad. At ang sakit, dahil sila 2 months na ngayon.

Kapag pumapasok ako sa school, hindi ko maatim na makita sila. Kasi sila, masaya. Samantalang ako, eto, durog.

Kapag pumapasok ako sa school, nagbibingi-bingihan nalang din ako. Ayoko kasing marinig pa silang nagtatawanan habang ako, nasasaktan.

At alam niyo ba? One time nun, naglalakad ako papuntang cafeteria. Syempre, ano pa bang ginagawa ko? Edi sinusundan ko sila kahit masakit.

Edi ayun. May narinig akong nag-uusap. Sinasabihang malandi si Noela. Kaya ayun lumapit ako para pagsabihan sila.

"Wag niyo ngang pinag-uusapan si Noela. At mas lalong wag niyo siyang huhusgahan. Kung tutuusin nga mas mukha pa kayong malandi kesa sa kaniya eh"

Tandang tanda ko pa sa utak ko yung mga sinabi ko sa dalawang babae na yun. Ipinagtanggol ko pa rin si Noela kasi mahal ko siya.

"Oh tol!"

Nilingon ko ang kaibigan kong si Shoe nang bigla niya kong tinawag.

Nginitian niya ko atsaka rin siya ngumisi. "Nagd-day-dream ka ba, tol? Sinasabi ko lang sayo ah! Hindi tayo talo. Hahaha" atsaka pa siya tumawa.

"Gago!" sigaw ko.

In my peripheral vision, nakita ko si Noela. Ordinaryo lang sana kasi lagi ko naman siyang nakikita eh.

Ang kaso, nakatingin siya sakin ngayon.

Kahit sa peripheral vision ko, nakita ko kung gaano kalungkot ang mukha niya. Nakita ko rin na may luhang pumatak mula sa mata niya.

Kaagad ko siyang nilingon. At tama nga ako, malungkot siya at may luha sa mga mata niya.

At ano pa nga bang aasahan niyo? Eh isa akong tanga pagdating sa love? Kaya ayan. Nanlambot na naman ang puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon