Alexander's PoV
Pano nangyari yun?
Puro yun lang ang tanong na pumasok sa utak ko mayari kong marinig yung sinabi ni Shoe.
"Pano nangyari yun?" Di ko namalayan na nasabi ko na pala kay Shoe yung mga tanong na nasa isip ko.
"Ewan ko. Tanong mo kay Noela" tugon sa'kin ni Shoe. Pagkayari nun ay umalis na rin siya.
Noela, bakit ba ang dami kong tanong sa'yo na hindi ko pa alam ang sagot?
Umayos nalang ako ng upo ng biglang dumatimg ang aming prof. Late na naman itong prof namin na to. Kaasar.
---
Dismissal na, pero naririto pa rin ako sa tapat ng aming room. Katulad kahapon, iniintay ko na naman si Noela. Kailangan ko na talaga siya kasing maka-usap tungkol dun sa instagram post eh.
"Noela.." sambit ko nang makita kong nasa harapan ko si Noela. Nakalabas na pala siya.
"O? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sakin habang naka-face palm ang kaniyang mukha. Ang cute niya talaga.
"Inaantay ka, malamang" pilosopo kong saad.
Umirap siya sa'kin tapos ay saka siya nagsalita.
"Bakit nga?" Tanong niya. Kulet talaga nitong babaeng to.
"Manliligaw ako sayo, pwede?" Di ko alam kung bakit yaan kaagad ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko plinagplano-han yun, asar.
Tiningnan ko nalang si Noela pagkayari kong magsalita ng ganun. Nasabi ko na kaya kailangan kong panindigan.
"Bahala ka" nagulat ako at sumaya dahil sa tugon ni Noela.
Kahit ba hindi niya ko literal na pinayagang manligaw, para na ring pinayagan niya talaga ko. Para bang nahihiya lang siyang sabihin na pumapayag siyang ligawan ko siya! Tangina, di kaya may feelings din sakin si Noela? Kung sakali mang may feelings siya sakin, tangina, lagi siguro kong masaya kapag ganun. Pero paano naman kung wala siyang feelings sa'kin? Sakit naman kung ganun.
"Talaga?" Namamangha kong saad. Tiningan niya lang ako at binigyan ng blank space-- I mean blank expression.
"Oo nga. Kulit naman."
Bigla akong napa-talon dahil sa sinabi ni Noela. Nakakabakla ba kapag kinikilig ang isang lalaki? Bwiset kasi, si Noela e. Masyado akong pinapasaya.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.