Alexander's PoV
Hapon na. Kanina, pagkadating na pagkadating palang ng prof namin, pinagalitan kaagad kami. Paano naman kasi, yung iba kong kaklase, nagbabatuhan ng mga papel at kung ano-ano pa. Yan tuloy! Pati kami na hindi naman nambabato ng papel, napagalitan.
Anyways, nandito nga pala ulit ako sa garden dito sa school. Palagi kasi ko ritong pumupunta pagkayari nang uwian namin sa hapon. Masarap kasi yung ambiance sa garden kaya madalas akong pumupunta rito.
Mag-isa lang ako sa garden kaya naman napa-isip akong i-text si Noela. Papupuntahin ko nalang siya rito para masaya.
To: Noela~
Punta ka rito sa garden dito sa school.
Sinend ko yung text kay Noela habang naka-upo pa rin ako dito sa garden.
Ang ganda talaga ng ambiance sa lugar na ito.
Nakatunganga lang ako sa garden nang biglang may kumalabit sakin mula sa likod.
"Alex" nilingon ko yung likod ko dahil sa boses niya.
"Johmwell?" Sumeryoso ang mukha ko nang makita ko si Johmwell na nasa likod ko. Bakit nandito to?
"May sasabihin lang ako sayo, pre." Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Ano naman ang sasabihin niya? Na mahal niya si Noela? Tapos iinggitin niya ko dahil kasama niya kaninang lunch si Noela? Ganun?
"Wag mo nang ituloy, sabihin 'yan. Baka mabadtrip lang ako" Seryoso pa rin ako habang nagsasalita.
Wala akong oras para sa mga kagaguhan nitong mokong na to. Kahit naman kasi hindi niya sabihin, alam ko pa rin naman ang sasabihin niya e. Sasabihin lang niya na mahal niya si Noela e. Mab-bwisit lang ako dahil dun.
"Hindi ko siya mahal."
"Ha?"
Gulong-gulo kong tinanong si Johmwell patungkol sa sinabi niya. Anong sinasabi nitong mokong na to?
"Hindi ko mahal si Noela"
Nagulat ako dahil sa bigla-biglang sinabi ni Johmwell. Hindi niya mahal? E bakit niya ko kakausapin?
"Wag mo kong gaguhin, pre. Kung hindi mo mahal si Noela, e bakit kaninang lunch hindi ka pumayag na sumabay ako sa inyo? Tapos, bakit kanina, pag-karating ko sa room magkasama kayo? Tama na 'yang kagaguhan mo 'pre" seryoso ko pa ring saad kay Johmwell.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.