Alexander's PoV
Nandito ako ngayon sa aming school at naglalakad lakad. Kahapon, pagkauwi ko galing sa bahay ay nag-online ako sa facebook at doon nagmuni-muni. Minessage ko rin kahapon si Noela, na nireplyan rin naman niya.
Bigla akong napangiti nang maalala ko yung moments namin kahapon ni Noela. Yung pagiging PDA namin sa classroom hanggang dun sa huling chat namin. Ang saya. Sana hindi na matapos yung ganoong saya.
"O pare?"
Tiningnan ko si Shoe na nakangiti habang naglalakad-lakad. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ulit sa paglalakad patungo sa room.
"Ay snob oh! Porket, naging sila lang ni Noela. Tsk, tsk. Kaya ayokong mag-girlfriend eh. Baka masabihan akong snob. Mwahaha"
Hindi ko nalang ulit pinansin si Shoe. Kahit kelan talaga yung gunggong na yun. Kung ano-ano ang nalalaan. Tsk.
Pinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalakad ko at sa wakas, ay nakarating na rin ako sa room. Naabutan ko naman dun si Noela na nakaupo, at ang mga kaklase ko na nakatingin sa harapan.
At sino naman yung nasa harapan na yun? Transferee?
Pumasok nalang ako sa loob ng room at tinanguan yung Prof. Saka ako umupo dun sa upuan ko at tiningnan yung nasa harapan.
"So class, eto na yung bago nating transferee. Johnrei Michael Pineda ang kaniyang name. Let's welcome him, class"
Napatango-tango nalang ako sa mga sinabi ni Prof. Tiningnan ko rin yung trasferee. Ayos lang naman yung looks niya, ngunit hindi maipagkakaila, na lamang na lamang yung looks ko. Haha.
"Paupo, ah?" Nakatingin pa rin ako dun sa transferee, nang bigla siyang pumunta sa tabi ng upuan ni Noela. Nagsalita rin siya ng malakas kaya narinig ko yung sinabi niya.
"Hindi pwede"
"Sure"
Sabay pa kaming nagsalita ni Noela patungkol dun sa sinabi nung nag-transfer. Pumayag siya samantalang ako naman ay hindi.
At bakit naman ako papayag na maupo yung transferee na yun sa tabi ng boss ko? Kung sana babae siya, papayagan ko pa. Pero lalaki siya eh. Kaya hindi pwede. Hindi pwede.
"Sige, upo ka na!" bigla kong binigyan ng matalim na tingin si Noela dahil sa kaniyang pagpayag. Eto talagang babaeng to, sobrang mabait eh. Pero hindi pwede. Hindi talaga pwede.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.