Alexander's PoV
"May forever o wala?"
Agad kong nilingon si Noela na hinampas pa ang panga ko habang nagtatanong. Nakangiti siya ng malaki at halatang masayang masaya siya.
"Depende" sagot ko.
Kumunot ang noo niya. Nga pala, nandito nga pala kami sa bahay ko. Pinakilala ko nga kasi siya sa parents ko at pagkatapos nun, pinagstay siya muna rito nila Mama. Pumayag naman siya nun.
Hindi rin maialis sakin, ang ngiti dahil ako ay masaya. Ang sarap kasi sa feeling na legal kaming dalawa ni Noela sa mga magulang ko. Tapos yung mga friends ko din na iba, alam nilang kami na ni Noela. So malaya kami, hindi yung nagtatago. At ang sarap sa feeling nun.
"Paanong depende?" Kunot noong tanong ni Noela.
Nginitian ko siya atsaka hinimas himas ko ang buhok niya. Naririto kami sa sala at nakahiga sa sofa. Nakahiga ako habang nakaunan ang aking mga kamay at si Noela naman ay nakadukdok sa aking dibdib.
"Depende, kasi sa tao, walang forever. Lahat ng tao mamamatay. Pero sa pagmamahalan, maaari. Paanong maaari? Kasi kung minamahal mo talaga yung tao, at hindi ka na tumitingin sa iba. Kahit mamatay ka pa, mahal mo pa rin 'yan" saad ko.
Napanganga sandali si Noela. Siguro na-speechless sa sinabi ko. Pero nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti lamang siya.
"Anong oras na pala? Baka hinahanap ka na ng parents mo!" Nagaalala kong saad sabay tingin sa relo ko. 7:30. "Oh, 7:30 na pala. Tara na, ihahatid na kita" atsaka ko pa nginitian si Noela. Binigyan rin naman niya ko ng isang ngiti.
Agad-agad kaming tumayo mula sa pagkakahiga namin sa sofa atsaka dali-dali ng pumunta sa kusina. Naririto kasi sa kusina, sila Mama, at nagluluto. Gusto ko namang magpaalam muna sa kanila bago ihatid si Noela.
"Ma, Pa, hahatid ko lang po si Noela. 7:30 na kasi at baka hinahanap na siya sa kanila" saad ko
"Ay hindi ba pwedeng umextend muna, 'nak? Kainin niyo lang yung niluto ko" atsaka pa ngumiti si Mama ng pagkatamis-tamis.
"Hindi pwede, Ma"
"Sige tita, ok lang"
Sabay pa naming saad ni Noela. Tiningnan ko siya atsaka kinunutan ng noo. Ayaw pa siguro nitong umuwi at gusto pa kong makasama. Pero baka hinahap na siya. Sabagay, mabait naman yung parents ni Noela.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.