Alexander's PoV
Bakit Lopez yung lumabas?
Kung kanina, iba ang tanong sa isipan ko. Ngayon naman ay iyan na. Nagtataka kasi ako kung bakit yun yung lumabas. Nagtataka ako dahil Lopez yung lumabas.
Sa pagkakaalam ko kasi, sa school namin, ako lang ang nag-iisang Lopez. Kahit pa si Wayne na nerd, hindi naman Lopez apelyido nun. Sa katunayan, Domingo ang apelyido ng Wayne na 'yun. Kaya hindi ko talaga ma-gets kung bakit Lopez ang sagot doon sa trinaslate ko.
Hinanap ko nalang ang cellphone ko na nasa tapat pala ng aking loptop. Kinuha ko ito at tinawagan ulit si Noela. Wala akong paki-alam kung maubos ang load ko kakatawag kay Noela dahil gusto ko talagang malaman kung bakit ganun? Naguguluhan kasi ko.
"Alam mo na yung missing?" Iyan agad ang bungad sakin ni Noela sa tawag. Medyo kinakabahan ako pero di ko iyong ininda.
"Bakit Lopez yung lumabas?" Tanong rin ang isinagot ko sa tanong ni Noela. Gusto ko kasi talagang malaman kung bakit lopez yung lumabas eh. Bwiset.
"Tsk" narinig ko pang nag-buntong hininga sa kabilang linya si Noela. Napa-kamot nalang ako sa batok ko. Baka nakukulitan siya sakin dahil ang dami kong tinatanong.
"Hindi ka rin tanga eh, noh?" Naguluhan ako bigla sa sinabi ni Noela. Bat biglang napunta dun yung usapan? Kanina lang, ang pinag-uusapan namin ay tungkol dun sa Lopez pero ngayon tinatanong niya kung tanga ba ko? Ano ba talaga?
"Hindi talaga ako tanga!" Pagsagot ko. Narinig ko ulit na may nag-buntong hininga sa kabilang linya kaya nag-buntong hininga rin ako. Nandito pa rin kasi sa dibdib kong matigas yung kaba ko eh.
"Tsk" mahinang saad ni Noela sa kabilang linya. Lumungkot naman ang mukha ko dahil dun. Ano? Puro 'tsk-tsk' nalang yung pag-uusapan namin? Ganun?
"Sino ba kasi ang mahal mo? Nakakalito ka eh. Wayne yung pangalan, pero Lopez naman yung apelyido. Ba't ganun?" Habang sinasabi ko iyan ay dahan dahan kong pinapatay ang aking loptop. Inaayos ko rin ang mga gamit ko habang sinasabi ko iyan.
"Sino ba ang Lopez sa school natin?" Pagsasalita ni Noela.
Tumango ako kahit alam kong hindi naman ito makikita ni Noela, "Ako" saad ko pa.
May nag-buntong hininga ulit sa kabilang linya. Pang ilang buntong hininga na ba ni Noela itong ginagawa niya ngayon? Kanina pa siya, buntong hininga, ah!
"Sino ba ang 'Wayne' sa school natin?" Pagsasalita ulit ni Noela. Napa-tango ulit ako atsaka nagsalita, "edi si Wayne, yung kaklase nating nerd" saad ko.
Wala naman ng nag-buntong hininga sa kabilang linya kaya ifinocus ko nalang ang atensyon ko sa sinasabi ni Noela. Hindi ko alam kung bakit tinatanong ako ng ganito ah!
"Bukod dun, may kilala ka pa bang ibang Wayne?" Nagtanong ulit sakin si Noela. Hindi ko alam na kailangan pa pala ng maraming tanong at sagot para malaman ko yung mahal niya ah. Asar!
"Meron. Ak--- wait, AKO?" biglang nanlaki ang mga mata ko sa naisip at nasabi ko. Muntik ko ng makalimutan na 'Wayne' pala ang pangalan ko. Takte. Oo nga pala, second name ko yun.
"Oo, alam mo naman palang ikaw eh. So ibig sabihin alam mo na ring ikaw ang mahal ko. Wag ka ng makulit, ah? Ikaw ang mahal ko." And with that, pinatay na ni Noela yung tawag. Naiwan naman akong naka-nganga at naguguluhan.
---
Hindi ko minsan inakala na darating pala yung panahon na mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Dati, nung bata pa ko, sabi ko sa sarili ko. Ayos lang kapag walang nagmahal sakin na babae. Meron naman akong kaibigan eh. Pero ngayon, nalaman kong iba pala ang feeling kapag may babaeng nagmamahal sayo. Nalaman kong sobrang saya pala kapag may nagmamahal sayo. Nalaman kong nagiging buo ang puso mo kapag may nagmamahal sayo. Ngayon ko iyan nalamang lahat, dahil sa sinabi ni Noela. Dahil sa sinabi niyang mahal niya ko.
Tanghali na. Kumain na ako ng lunch at ngayon naman ay nandito pa rin ako sa bahay at naka-higa sa kama ko. Mula ng ma-realize ko na ako nga ang mahal ni Noela ay talagang nagtatalon ang puso ko ng sobra. Sobrang saya ang pakiramdam ang nararamdaman ko dahil dun.
Kanina, matapos kong malaman na ako yung mahal ni Noela, ay tinawagan ko siya. Tinawagan ko siya ng ilang beses pero hindi naman niya sinasagot ito. Nagri-ring lang at wala namang sumasagot.
Kanina rin, ini-log in ko lahat ng account ko sa lahat ng site na alam ko at pinilit i-contact si Noela. Pero katulad ng sa pagtawag ko sa kanya, ay wala rin siyang naisagot. Para bang pinutol niya yung connection niya sakin at bigla-biglang nawala.
"Edi masaya ka na nyan, pre?" Hindi ko na namalayan na kausap ko pa pala si Shoe sa telepono.
Kanina, nang mayari kong kumain ng lunch ay tinawagan ko si Shoe para sabihin sa kaniya lahat-lahat. Ikinwento ko sa kanya kung paano ko nalaman na mahal ako ni Noela at kung ano-ano pa.
"Oo naman, pre. Bye na nga. Wala kang kwentang kausap. Hahaha" pinatay ko na yung tawag namin ni Shoe nang mayari kong magsalita.
Itinago ko na rin sa bulsa ko yung cellphone na ginamit ko kanina. Muli kong inalala yung oras na kausap ko kanina si Noela.
Bigla kong naalala yung pagsusungit niya, at bigla ko ring naalala na sobrang tanga ko pala kanina. Daig ko pa yung pinaka-bobo sa batch namin dahil sa katangahan ko.
Bigla rin akong napa-isip. Bakit nga ba hindi ko naisip na Wayne rin ang pangalan ko kahit second name ko lang iyon? Bakit ba nag-coclude kaagad ako? Sobrang tanga ko talaga kanina, bwiset.
Muling pumasok sa isipan ko yung sinabi ni Noela sa akin kanina.
Wag ka ng makulit, ah? Ikaw ang mahal ko.
Bigla akong napa-ngiti sa ala-alang pumasok sa isipan ko. Bigla na namang ulit namawis ang noo ko.
Noela, alam mo bang sobrang saya ko dahil ako ang mahal mo? Puta, ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo sa oras na ito.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.