Kabanata 05

149 44 20
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Patuloy pa rin akong naka-tingin sa picture na naririto sa cellphone ko.

Picture ni Noela at ng ex boyfriend niya.

Bakit di ko alam na may ex na siya? Bakit di ko yun alam? Sabagay, wala naman talaga akong karapatang malaman yun eh. Ano ba ko ni Noela? Hindi naman niya ko boyfriend tapos hindi ko pa siya naliligawan. Bwiset.

Tiningnan ko kung kelan in-upload ni Noela yung picture at nalaman kong nung isang araw lang niya to in-upload.

Nung araw na nag-confess ako sa kanya.

Napahinga ako ng malalim dahil sa loob loob ko naiinis ako. Kahit na nga ba, ex niya yun, at hindi na sila, nagseselos pa rin kasi ako e. Kasi malaki rin ang posibilidad na magkabalikan yung mga yun, kaya bwiset talaga.

Napag-desisyunan kong tawagan si Noela dahil dun sa nakita ko. Buti nalang at sinagot niy ito.

"Noela.." simula kong sambit sa pangalan niya. Seryoso pa rin ang expression sa aking mukha.

"Wag ka ng tumawag. Bwiset kang gago ka!"

Napitlag ako sa sigaw ni Noela. What the fuck? Bakit siya na gagalit?

Sasagot pa sana ko ngunit in-end naman niya yung call.

Bwiset naman! Bakit siya yung galit sakin imbis na ako? Ano rin yung ikinagagalit niya sa'kin? Tangna. Nabwibwisit ako.

Dahil sa inis at stress, ay in-off ko nalang ang phone ko at humigi sa kama. Matutulog na ako!

---

Umaga na. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi pero bwiset lang dahil napaginapan ko pa si Noela at si Johmwell nung magkasama sila. Bwiset. Parang nananadya yung panaginip ko eh.

Inihanda ko na lang yung kotse at pinaandar na ito.

Patuloy ko lang pinapaandar ang kotse ng bigla kong nakita si Noela.

Naglalakad siya habang may naka-pasak na earphones sa tenga niya.

Teka nga, bakit naglalakad siyang pumasok? Paano kung masagasaan siya?

Inihinto ko yung kotse ko sa tapat ni Noela. Mahirap na, baka ma-aksidente pa siya.

"O Noela, sabay ka na.." giit ko habang nasa loob pa rin ng kotse at nakatapat sa pwesto ni Noela.

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon