Kabanata 07

132 39 14
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Noela, bakit ba ang ganda mong ngumiti?

Iyan ang tanong na kanina ko pa sinasabi sa aking utak.

Hightech kasi! Bakit ba ang ganda niyang ngumiti?

Bwiset na ngiti na 'yan!

Ayan tuloy, na-fall ako.

Ifinocus ko nalang yung atensyon ko sa pagkain na nasa harap ko ngayon. Kasama ko nga pala si Noela at nandito kami sa canteen. Naka-order naman na ako ng pagkain namin kaya maari na rin kaming kumain.

"Ba't di ka pa kumakain, Alex?" Bigla akong natauhan sa sinabi ni Noela. Hindi ko pa pala nagagalaw yung pagkain ko.

"Sige, sige. Kakain na ko. Hehe" atsaka ko na sinimulan yung pagkain.

Medyo binibilisan ko yung pag-kain ko habang sumu-sulyap sulyap kay Noela. Hindi talaga siya nakakasawang tingnan. Asar.

"Noela.." pagtawag ko kay Noela sa pagitan ng pagkain namin.

Siguro, kailangan ko na ring tanungin yun sa instagram post niya. Hindi rin kasi ako mapakali dahil hindi ko pa alam kung sino yung lalaki e. Ewan ko ba, kung bakit ganito akong umasta. Kahit alam kong wala akong karapatan kay Noela, hindi ko pa rin maiwasan na magselos. Tsk. Inlove na inlove na talaga ako sa kanya.

"O?" Tugon niya sa akin.

Napakamot ako sa batok ko atsaka ngumuso. Paano ko bang itatanong sa kanya kung sino yung lalaking nandun sa instagram post niya? Nakakahiya, asar!

"Hehehe" tumawa ako ng peke.

Tiningnan lang naman ako ni Noela nang mapanuring tingin.

"Ano nga?" Bulalas niya.

Pano ko ba kasi sa kaniyang masasabi yung sa instagram? Kainis naman. Inaatake na naman ako ng kaduwagan.

"Ano p-pala. Y-yung ano.. yung sa instagram p-post mo" nauutal kong saad. Naduduwag na nga ako, nauutal pa. Ang malas ko naman yata.

"O, anong meron dun?" Tanong niya sakin.

Nakamot ko na naman ang aking batok. Bakit ba kasi hiyang-hiya akong sabihin? Naramdaman ko tuloy, na pinagpapawisan na naman ako.

"Yung ex boyfriend mo" sa wakas ay nasabi ko na rin sa kanya yung gusto kong sabihin. Salamat naman rin at hindi na ako nautal. Hays.

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon