Kabanata 11

136 33 7
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Bakit si Wayne?

Iyan ang tanong na kanina pa nagpapaikot-ikot sa aking utak. Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng malaman kong si Wayne pala ang mahal ni Noela. Nakakalungkot ng sobra.

Si Wayne, siya yung kaklase namin na nerd. Kaklase namin na duwag. Kaklase namin na lampa at kung ano-ano pa. Hindi siya sikat sa shool. Wala ngang halos nakakakilala sa kanya eh pero bakit siya yung mahal ni Noela? Nakakabwisit, tangna!

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang magiging reaksyon ko ng malaman kong may ibang mahal si Noela. Dati, sinabi ko sa sarili ko na kapag hindi man ako yung mahal ni Noela, hindi ako magagalit. Pero ngayon naiinis ako. Tsk.

Kinapa ko sa bulsa ko yung cellphone ko para matawagan si Noela. Kailangan ko siyang tawagan para malaman ko lahat lahat. Kung bakit siya nagkagusto kay Wayne, at kung ano-ano pa.

Nang makapa ko sa bulsa ko yung cellphone ko ay hinanap ko kaagad ang pangalan ni Noela sa aking contacts. Nang mayari ko namang mahanap ay tinawagan ko na ito.

"Hello?" Nagtatakang boses agad ang bumungad sakin sa kabilang linya. Napangiti agad ako. Marinig ko lang talaga ang boses ni Noela, sumasaya na ako. Pero nakakalungkot lang na may mahal na siyang iba. Bwiset.

"Si Wayne yung mahal mo?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong ko kaagad kay Noela kung si Wayne ba ang mahal niya. Umaasa akong 'hindi' ang isasagot niya kahit medyo sigurado na ko na si Wayne nga ang mahal nito.

Hindi ko kasi matanggap na si Wayne yung mahal niya eh. Di hamak naman na mas pogi at mas hot ako dun. Di hamak din na mas sikat at mas mayaman ako dun. Pero bakit si Wayne? Naguguluhan ako, nyeta.

"Oo. Mahal ko si Wayne" bakas sa boses ni Noela ang saya habang sinasabi niya ang mga katagang na iyun. Biglang nanlambot ang puso ko at nalungkot ang mga mata ko. Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahal niya?

"Siya ba talaga ang mahal mo?" Pinaramdam ko ang lungkot sa boses ko habang nagsasalita ako. Pinaramdam ko talaga para malaman niya na nalulungkot ako. Para malaman niya, kung ano ang nararamdaman ko.

"Teka nga, ano bang sinasabi mo?" Halatang naguguluhan si Noela habang nagsasalita siya. Nag-buntong hininga pa siya at kahit hindi ko siya nakikita. Alam kong umirap na naman siya.

Noela, bakit ba naging ganito ang tama ko sayo? Ginayuma mo ba ako kaya nainlove ako sayo? Bwiset kasi. Bakit parang ako lang ata ang inlove sa ating dalawa? Pero oo nga pala. Inlove ka rin pala. Inlove ka nga pala kay Wayne at hindi sa akin. Nakakasakit isipin yun, tangina!

"Anong 'ano ang sinasabi ko?' Wag ka ng magmaang-maangan pa. Diba si Wayne ang mahal mo?" medyo napalakas na ang boses ko habang nagsasalita ako. Ayokong magalit kay Noela pero mahal ko siya eh. Sana lang mahal rin niya ko para fair. Nyeta.

"Oo nga. Mahal ko si Wayne" naging masaya na naman ang boses ni Noela sa kabilang linya.

Sige, Noela. Ipamukha mo pa ng ipamukha sa kin na mahal mo si Wayne. Hindi masakit ah! Hindi talaga masakit. Bwiset.

"Hindi ako na-inform na mahilig ka pala sa nerd?" Patuloy pa rin akong nagsalita sa kabilang linya. Kahit alam kong wala nang sense yung sinasabi ko ay nagsasalita pa rin ako. Umaasang mali lang ng sabi si Noela, at ako talaga ang mahal niya. Pero mukhang wala naman na kong aasahan pa..

"Teka nga, teka nga. Parang mali yung sinasabi mo. Trinaslate mo ba talagang mabuti yung sinend kong hangul na text?" Makahulugang saad ni Noela. Napa-isip ako dahil dun. Oo naman, trinaslate ko naman ng maigi yung text eh. Anong sinasabi ni Noela ngayon?

"Anong sinasabi mo?" Tanong rin ang isinagot ko sa tanong ni Noela. Pinipilit kong intindihin yung sinasabi ni Noela pero hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ko ma-gets yung tinutukoy niya.

"Tanga mo naman, Alex. Bakit di mo muna tingnan ng maigi yung text? Baka may missing?" And with that, pinatay na ni Noela yung tawag. Naiwan naman akong naguguluhan.

Kinamot ko yung batok ko dahil sa sobrang pag-iisip. Nag-buntong hininga rin ako at inalala yung sinabi ni Noela.

Tanga mo naman, Alex. Bakit di mo muna tingnan ng maigi yung text? Baka may missing?

Nanlaki ang mga mata ko at halos ma-ihagis ko na yung cellphone ko dahil sa bigla kong naisip. Tama, bakit kaya di ko tingnan ulit yung text ni Noela. Bakit ba hindi ko naisip na i-check yun?

Nagmamadali kong in-open yung laptop ko atsaka agad agad na nag log in sa facebook. Nang ma-log in ko sa facebook ang aking account ay agad agad kong tiningnan ang chatbox namin ni Noela.

Nakita ko dun sa chatbox namin yung kakaibang lengwahe na sinend sakin kanina ni Noela. Bukod pa dun may nakita pa kong kakaibang lengwahe sa baba nito.

Baka naman may missing?

Biglang pumasok sa isipin ko yung sinabi ni Noela kanina? Tama, tama. May missing. Meron akong hindi na-google translate.

Agad-agad akong nag-search ng google translate matapos kong maisip yung sinabi sakin ni Noela. Nang ma-search ko na ang google translate ay cinopy paste ko na yung kakaibang lengwahe na tinext din niya sakin.

Nang lumabas na yung ibig sabihin ng text na yun ay talagang nanlaki ulit ang mata ko. Bigla ring pinagpawisan ang noo ko dahil dun.

Lopez? Bakit Lopez yung lumabas?

Lopez? Bakit Lopez yung lumabas?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon