Kabanata 13

116 33 13
                                    

Noela's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noela's PoV

"So tayo na?" Iyan kaagad ang salitang bumungad sakin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom.

Tinaasan ko ng kilay si Alex atsaka kinunot-an ng noo. Bwiset siya! Hindi niya ba alam na napakalakas yung boses niya at narinig siya ng mga hinayupak naming kaklase? Taena.

"Nyeta ka" piningot ko pa si Alex hanggang sa makarating ako sa upuan ko. Ka-aga aga nambabadtrip 'tong mokong na 'to.

Hindi ko napansin na nilapitan pala ko ni Alex at tumabi pa siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"So ano nga, Noela? Tayo na?" Tanong pa niya. Minsan talaga ang sarap ingudngod ni Alex sa lamesa para matauhan. Tanga-tanga din minsan eh. Sinabi ko na ngang mahal ko siya, so ibig sabihin nun kami na. Ang tanga niya talaga.

Nung isang araw, sa totoo lang. Gigil na gigil ako kay Alex dahil sa kabobo-han niya. As in. Nyeta. Aba, nakalimutan ba naman na Wayne yung second name niya. Masyado kasing atat.

Hindi ko nalang pinansin si Alex at ibinaling nalang ang atensyon ko sa harapan. Wala pa yung teacher namin kaya ipinasak ko na lang sa tenga ko yung headset ko. Minsan talaga, mas masarap pang kasama itong headset ko na to kesa kay Alex. Dami kasing tanong nun eh.

Teka nga? Ba't ba pinagkukumpara ko yung headset kay Alex? Para tuloy akong baliw!

"Oy Noela" tinapik-tapik pa ako ni Alex kaya naman napilitan akong harapin siya.

"Ano na naman ba?!" Asik ko. Aba, kung mangungulit lang siya kung kami na, wag na niyang ituloy! Baka mabatukan ko lang siya.

"Tayo na?"

Kinunot-an ko ng noo si Alex atsaka binatukan dahil sa sinabi niya. Punyeta! Kasasabi ko lang sa isip ko na huwag niyang tanungin, tapos tinanong naman niya kung kami na. Bwiset. Alam naman niyang mga chismosa yung tao rito sa room eh. Kabanas.

"Aray! Para san naman yung batok na yun?" Sabi niya patungkol dun sa pagbatok ko sa kanya. Sigurado ako, nasaktan siya dun. Tinodo ko yung batok ko eh. Paano kasi nakakabanas!

"Para yan sa katangahan mo nung birthday ko" atsaka ko ulit siya binatukan. Punyeta, naalala ko tuloy nung sabado. Nakakagigil yung katangahan niya. Aba, akalain ba naman yung mahal ko? Like eww! Tsk.

"Aww. Batok ka naman ng batok. Ganyan ka ba magpahayag na mahal mo ang isang tao? Binabatukan mo?" Ngumisi pa si Alex na naging dahilan ng pagkunot pa lalo ng noo ko. Bwiset siya.

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon