Kabanata 03

222 47 25
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Naglalakad ako ngayon papunta sa aming room.

Wala naman masyadong nangyari kagabi. Pagkayari kong i-end yung tawag namin ni Noela ay hindi na ko naka-receive pa ng text mula sa kanya. Pagkayari rin ng pag-uusap namin sa tawag ni Noela ay naligo na ako atsaka kumain. Pagkayari namang kumain, ay nahiga na ko sa aking kwarto.

Iniisip-isip ko lang si Noela nang hindi pa ko nakakatulog. Iniisip ko kung bakit ayaw niya kong paniwalaan, kung bakit akala niya pinag-ti-tripan ko siya at kung ano-ano pa.

Mabuti nga't nakatulog ako at nagising ng walang eyebags e. Kung nagkaroon ako ng eyebags siguradong bawas pogi points yun kay Noela.

Naka-rating na ko sa room ko at as usual, wala pa yung prof pati na rin yung iba pang mga kaklase ko. Maaga pa naman kasi.

Nang nandun na ko sa room ay naabutan ko si Noela dun. Nakapasak sa kaniyang mga tenga ang kaniyang earphones habang ang mukha naman niya ay nakadukdok. Napuyat siguro to.

Dumeretso nalang ako sa upuan ko at hindi na tiningnan pa ni kinausap pa si Noela. Siguradong medyo i-stress yun dahil sa mabilis na pangyayari at sigurado ring puyat yun dahil nga natutulog siya. Nabigla siguro siya sa pagtatapat ko.

Maya-maya, dumating na ang aming professor. Nagturo lang siya ng nagturo at pagkayari ay nagpa-dismiss na siya.

---

Lunch na, pero nasa tapat pa rin ako ng aming room. Inaantay ko kasi si Noela dahil gusto ko siyang isabay mag-lunch atsaka isa pa, gusto ko rin kasi siyang maka-usap dahil gusto kong mapag-usapan namin yung ginawa kong pagtatapat sa kanya kahapon e.

"Ba't nandyan ka?" Nakita ko si Noela kasama ang isa pa naming kaklase na si Johmwell.

Napa-baling ang tingin ko kay Johmwell na kasama niya. Bakit kasama nitong si Noela itong mokong na'to? Nakakabanas.

"Eh ikaw, bakit kasama mo yan?" Hindi ko maiwasan na magselos sa aking pagsasalita. Siguro kaya hindi siya naniniwala na mahal ko siya dahil may mahal siyang iba, no? Nakakabwisit.

"Eh ano namang masama? Sabay lang naman kaming magla-lunch e" naka-ngiting sabi sakin ni Noela. Tangina, nakakainis! Bakit ba niya ko nginingitian? Bumibigay tuloy ako.

"Sabay din ako" seryoso ko pa ring saad.

"Di pwede" imbis na si Noela ang sumagot, ang kasama niyang si Johmwell ang nagsalita.

A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon