Kabanata 10

135 34 14
                                    

Alexander's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexander's PoV

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay sumapit na ang kaarawan ni Noela. Oo, tama kayo, kaarawan na ni Noela kaya sasabihin na niya yung taong gusto niya.

Sabado ngayon, at nandito ako sa aming bahay. Di ko alam kung may eyebags ako ngayon pero sana naman wala. Hindi kasi ko nakatulog kagabi dahil sa hindi ako mapakali dahil nga malapit na yung birthday ni Noela. Diba nga sasabihin na niya yung nagugustuhan niya sa birthday niya? So ibig sabihin, sasabihin na niya ngayon kung sino ang nagugustuhan niya.

Bukod pa dun, sinadya ko rin talagang hindi matulog dahil gusto kong ako ang unang babati kay Noela sa birthday niya. So ayun, inintay kong mag 12 tapos chinat ko siya at sinabing happy birthday. Ewan ko lang kung nasiyahan ba siya dahil dun.

Alas otso na ng umaga ngayon at nandito pa rin ako sa kwarto ko. Nakatapat sa harapan ko ang laptop ko na naroon sa aking lamesa. Nakakahiya mang sabihin, pero talagang iniintay kong i-chat ako ni Noela para sabihin niya yung gusto niya. Kahit naman kasi kinakabahan ako sa sasabihin ni Noela, hindi ko pa rin naman maiwasang ma-excite. Haha.

Nanatili pa rin ang atensyon ko sa laptop na naroon sa harapan ko. Hindi pa naman ako chinachat ni Noela at alam ko namang matagal pa niya kong i-cha-chat kaya naisipan kong i-log in na lamang ang aking instagram account. Ii-stalk ko na lang si Noela para masaya. Tutal masarap naman titigan ng titigan ang mukha niya eh.

Ini-log in ko na ang instagram account ko ng nakita ko na ang site ng instagram. Itinype ko na yung username ko at tinype na rin ang password ko. Pagkayari nun, ay pinindot ko na yung enter button para ma-log in na ng tuluyan.

62 notifications agad ang bumungad sakin nang ma-log in ko na yung instagram account ko. Tiningnan ko yung mga notifications at bigla na lang akong mapanganga dahil dun.

Noelaaaa_ likes your photo.

Puro ganun ang notifications na bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nanti-trip lang si Noela sa panlilike niya ng mga pictures pero hindi ko nalang pinansin yun.

Clinick ko yung profile ni Noela at lumabas naman doon ang kaniyang mga pictures. Nakita kong may bago siyang mga post kaya tiningnan ko yun.

Una kong tiningnan yung pinaka-latest na upload ni Noela. Picture yun ni Noela habang may hawak na cake. Siguro kaka-picture lang niya to kanina nung birthday niya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Noela doon sa picture. Mula sa mata hanggang sa labi niya, sobrang ganda. Ang kinis pa at ang puti ng balat niya. Hindi talaga kataka-takang na-fall ako sa kanya.

Bigla kong pinunasan yung noo ko nang maramdaman kong namamawis ito. Lagi talagang pinagpapawisan ang noo ko sa tuwing nakikita ko si Noela, asar!

Ini-scroll ko na lang ulit yung instagram account ni Noela at tiningnan pa yung iba niyang pictures. Katulad sa latest upload niya, magaganda rin ang iba pa niyang pictures. Sabagay, kahit ano namang mangyari maganda pa rin si Noela e. Kahit saang anggulo mo tingnan.

Bigla-bigla akong napatingin sa facebook account ko ng may biglang nag-chat. Si Noela pala.

Iniintay mo talagang malaman kung sino yung mahal ko, ah!

'Yun ang sinend ni Noela na text sa aking facebook. Napatawa na lang ako dun. Halos magkamukha kasi yung text ko sa kanya nung nagtapat ako atsaka ito eh. Haha.

Hindi naman. Slight lang haha 😉

Pinindot ko yung enter button ng mayari kong mag-type ng text. Maya-maya lang ay nag-reply na rin naman si Noela.

Hahaha. Intay ka lang, mamaya ko pa sasabihin. Saktong 9:00.

Tiningnan ko kaagad ang relo ko dahil sa text na chinat sakin ni Noela. Tiningnan ko yung oras at nakita kong 8:45 na rin ang time. Takte, 15 minutes na lang pala at sasabihin na niya yung mahal niya. Bwisit.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa chinat sakin ni Noela. Hindi ko maiwasang kabahan, pero hindi ko rin namang maiwasang ma-excite dahil dun. Malay mo naman, ako pala yung mahal niya. O diba, ang saya?

Dahil sa magkahalong kaba at excite ay hindi na ko nakapag-reply pa kay Noela imbis tiningnan ko na lang ulit yung instagram account niya. Tiningnan ko pa yung mga pictures niya at tinitigan din ito. Bigla na namang namawis ang noo ko dahil dun.

Dahil sa matagal na pagtitig sa pictures ni Noela ay hindi ko namalayan na malapit na palang mag- 9:00.

Dahil malapit nang mag-9 ay napagdesisyunan kong i-focus nalang ang atensyon ko doon sa aking facebook account. Para kapag nag-chat si Noela, makita ko kaagad.

Habang naghihintay mag-9 at habang naghihintay ng chat ni Noela ay nag-status nalang muna ako.

Sana ako..

'Yan ang nakalagay na text doon sa status na pinost ko. Napa-ngiti ako dahil dun. Sana nga ako..

*ting*

Bigla akong kinabahan ng nag pop up ang chatbox namin ni Noela. Nakita kong may tinext na si Noela.

Pumikit muna ko at nagbuntong hininga. Natatakot akong makita, bwiset.

Halos 30 segundo na'kong naka-pikit kaya naman napag-desisyunan kong silipin na rin yung text. Kahit kinakabahan ay idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan ito.

웨인

Napa-kunot ang noo ko sa message na galing kay Noela. Bakit ibang lengwahe? Hindi ko tuloy maintindihan. Asar.

Kahit kinakabahang malaman kung sino yung mahal ni Noela ay nagawa ko pa ring mag-search ng google translate. Kailangan ko kasi ng google translate para malaman ko kung sino yung mahal ni Noela eh. Alanganamang hindi ko alamin yung mahal niya. Kahit naman kinakabahan ako, meron pa rin naman sa puso ko na gusto talagang malaman kung sino yung mahal niya. Nagiging madrama tuloy ako. Asar!

Nang na-search ko na yung google translate ay i-cinopy paste ko na yung text na sinend ni Noela. Nang mai-google translate ko na ito ay talagang nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

Wayne? Yung kaklase naming lalaki na nerd yung mahal ni Noela? Putcha!

Wayne? Yung kaklase naming lalaki na nerd yung mahal ni Noela? Putcha!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Hangul Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon