'star? This is dyan... Uuwi kana ba? Text mo ako kapag uuwi kana, susunduin kita'
Ino-off ko ang cp ko tuwing nag ka-klase... Ang palagi lang naman nag tetext saakin ang 8888 at 4438 yung kung baga kulang sa load? Yung ganun? Hahahaha or malapit nang mag expired ang iyong load yung mga ganun? Hahahha
At himilang may unregister number na may nagtext saakin, lalo na kung malaman mo na si Dyan diba? Hahahaha
'oo nandito ako sa waiting area ng school, hintayin kita ah?'
Mabuti may load ako diba? HahahaMaya maya lang ay may bumusina malapit saakin
Napakunot yung noo ko, imposible naman na kay Dyan yan eh iba yung kulay ng sasakyan nya kanina...Di ko nalang pinansin at bumalik ulit sa paglalaro ng 4 pics,1 word ...
Maya maya lang ay bumusina ulit
Bumaba yung bintanaNapangiti ako kasi nakita ko si Dyan sa driver seat... Kaso parang may kasama yata sya? At babae pa...
Yung ngiti ko napalitan ng busangot na mukha...Pagkapasok ko ay isinara ko ng dahan dahan yung pinto...
Dahan dahan... Ganun ako eh! Ganun ako mag timpi..."hi? Ano pangalan mo? "
" Heart, Heart Gonzaga " nginitian nya ako. Plastic! Di ko sya nginitian pabalik. Bakit sino ba sya.
"kamusta naman ang pagpasok?"
"okay naman, kaso may sumira ng mood ko." tumingin nalang ako bintana. Naloloka ako eh! Nagseselos ba ako? Hindi naman diba? Naiinis lang naman ako na may kasamang babae si Dyan at nakaupo pa talaga sa passenger seat, eh ako back seat jusko! Fiance ko yan! Yang katabi mo ate!
"ikaw kamusta yung work mo? " tinanong ko sya baka kasi matanong oa nya kung bakit nasira ang mood ko...
" okay lang naman, mabuti at nandiyan si Heart tinulungan nya ako" tumango tango nalang ako at nilabas yung phone ko
Naglaro nalang ulit ako...Ano mas maganda? Heart o Star? Saka kaano-ano nya ba si Heart? Gf? Sabagay ikakasal nga lang kami... Kasal lang yun ... Kasal sa papel...
Kinamusta ko lang naman yung trabaho nya, hindi ko naman tinanung kung tinulungan ba sya or sinong tumulong sakanya!
Inunang hinatid si Heart malapit lang din sya duon saamin mga dalawang kanto ang layo.
" alam ko ikakasal tayo... Kasal lang sa papel, ang gusto ko sanang sabihin sayo na gawin mo yung gusto mong gawin, at gagawin ko ang gusto ko naman gawin. At wag mong isipin na kasal kana at di mo pwedeng gawin yung mga hindi na dapat gawin---"
"What do you mean? Ang gusto mo bang mangyari ay yung walang pakielamanan?" hindi ko alam kung anong naisip ko at iopen sakanya toh
" is that what you want , okay. Yan din ang gusto ko sabihin sayo."
Tumago nalang akoHindi ko alam pero nasasaktan ako sa sinabi. Kung pwede lang sanang bawiin lahat ng sinabi ko binawi ko na!
