14

21 3 0
                                    

Andy.

Medyo sinasanay ko nang hindi sya hintayin tuwing magla-lunch. Tine-text ko narin yung secretary nya na hindi ako makakasabay aa boss nya mag lunch. Sabay sabay parin kaming maglunch nila sir Erick, Jj at Cath.

"uy bakla! Hindi ko napapansin na sumasabay ka sa asawa mo maglunch. "sabi naman nitong si cath habang namimili ng pagkain. Sa isang  Buffet kasi kami kumain. Dito sa Moa, para naman daw maiba.

"eh alam nyo naman kung sino na ang kasabay nyang kumain. Wala naman akong karapatan para ipagsiksikan ang sarili ko sakanya.Kasal lang naman kasi kami sa papel." pagkasabi ko nyang ay sumubo na ako. Bakit ba palagi nalang nasaakin ang topic?

"Nagkita at nagusap na ba kayo nung karen?"si sir Erick naman ngayon ang nagtanong. Hindi sya tumingin saakin. Tuloy tuloy lang syang kumain pero alam ko hinihintay nila yung sagot ko.

"hindi. Hindi pa." hindi naman pumasok sa isip ko na magkikita at makakausap ko si Karen. Saka hindi naman sya saakin pinapakilala ni Dyan.

"for sure mas maganda ka dun. Mas bait ." komento ni sir Erick.

"kahit naman mas maganda ako dun sir o mas mabait hindi naman ako yung mahal. Saka First love sya noh."tama naman diba? Kahit na mas maganda at mabait ako dun kay karen eh kung sya ang mahal wala akong laban.

"sabagay prend! May tama ka jan! Teka nga! Sure ka ba na mahal parin sya ni sir Jake? Malay mo ikaw na yung mahal nya? "napaisip ako sa sinabi ni Jj.

"at bakla malay mo friends lang sila at kailangan lang malinaw ni Sir Jake yung nararamdaman nya kay karen. "dagdag naman ni cath.

Napaisip ako sa mga sinabi nila. Inisa isa ko lahat ng sinabi nila. Mahal pa kaya ni Dyan si Karen? Sya parin kaya? Mahal kaya ako ni Dyan? Siguro oo, pero hindi katulad ng pagmamahal ko sakanya. Friends lang kaya sila? Nililinaw lang kaya ni Jake yung nararamdaman nya? Malabo naman yata yun. Hayst. Lahat ng katungan may kasagutan.

Natuwa din ako sakanila kasi kahit papaano  napagaan nila yung nararamdaman ako. Nagikot ikot muna kami dito bago kami bumalik sa opisina.

4 pm ngayon ang off namin. Kadalasan kapag maaga ang uwi ko ay duma-daretso ako sa opisina nang asawa ko pero parang may mali kaya hindi nalang ako tumuloy.

Dumaretso ako sa bahay namin at nagluto nalang ako para sa dinner namin. Naalala ko tuloy si inay hayst parang ang tagal tagal naman yata ng isang buwan. Kailan kaya ang balik ni inay.

Pagdating ni Dyan ay inasikaso ko naman sya. Tinanong ko rin kung kumain na sya kaso kaysa sumagot sa tanong ko niyakap nya ako. May problema kaya sya? Niyakap ko nalang din sya. Kung ano mang problema yun kaya nya. Alam kong hindi sya madaling sumuko sa mga problema.

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon