Andy Point of View
Chapter 22 - Flashback..
Isang linggo narin akong nagta-trabaho dito sa restaurant nila Kevin. Alam na din ni tita yung mama ni kevin na magtatayo ako ng restaurant. Nakakapagod din kasi inaasikaso yung mga customer tapos yung mga ibang empliyado lalo kapag yung mga bago. Nakakapagod talaga. Mabuti nga at tinutulungan ako ni Kevin.
"Ms. Andy may naghahanap po sainyo. " sinundan ko yung waiter tapos tinuro nya saakin yung naghahanap daw saakin. Napalunok nalang ako.
"Karen?" lumingon sya saakin tapos ngumiti sya. Kinakabahan ako. Baka ano nanaman ang hingiin nyang pabor saakin.
"Andy, umupo ka muna. Don't worry saglit lang ito." nagdadalawang isip ako kung uupo ba ako o hindi. Tumingin ako sa direksiyon ni Kevin ngumiti naman sya saakin at nag sign na sige. Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa tapat nya.
"a-ano yun?" ngumiti ulit ito. Hinawakn nya yung kamay ko na mas lalo kong ikinaba.
" Napagtanto ko kasi na dapat na akong mag let go kay Jake. Kailangan ko nang mag move-on at tanggapin na wala na kami at iba na ang mahal nya" nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita sya. Halata mong may dinadamdam syang malalim bakas yun sa mga mata nya.
"And sorry kasi. Sorry dun sa nangyari nung nakaraang linggo." yumuko sya. Napangiti ako kasi ramdam kong sincere yung paghingi nya ng tawad. Hinawakan ko yung kamay nya dahilan para mapaangat yung ulo nya.
Ngumiti ako sakanya ganun din sya saakin.
" wala yun. Sino ba naman ako diba? Sino ba naman ako kung hindi ko tatanggapin yung sorry mo" ngumiti sya saakin tapos biglang lumungkot yung mukha nya.
"hmm Andy babalik na pala ako sa US"
"huh? Bakit? "
"siguro mas maganda na yun para madali akong maka move on" ngumiti ako sa kanya.
"kailan ang balik mo dun? Basta tandaan mo nandito lang ako ah?" tumango tango sya.
"2 hours to go. " parang ang bilis naman yata.
Nagpaalam na kami sa isat isa ni Karen. Kailangan na kasi nyang umalis baka mahuli sya sa byahe nya. At ako naman ay kailangan na ako sa trabaho.
Break ko na. Kaya kumain na ako ng lunch. Naikwemto ko narin kay Kevin ang sinabi ni Karen.
"Kevin matagal na tayong nagke-kwentuhan pero hindi po saakin nakwento ang girlfriend mo" napansin ko naman na tumahimik si kevin. Na guilty naman ako kasi ang daldal ko. Ang dami kong pwede itanong yun pala.
" Kevin sorry hindi ko---"
"okay lang yun. Mahabang kwento Andy. Mamaya sunduin kita sa out mo " ginulo nya yung buhok saka umalis.
Hindi ako mapakali kasi hindi ko alam kung tama ba yung tinanong ko o mali.
"Hi Ms Andy" tinabihan ako ni Sammy dito sa kinauupuan ko. New worker sya dito.
"alam mo Ms. Andy lahat ng problema mo ngitian mo nalang yan. " ngumiti ako sakanya. Parang ang lalim lalim ng pinagdadaanan nya.
" Mukhang ang dami mong problema" sabi ko sabay tinap ko ang shoulder nya.
"Hay Ms. Andy ganun po talaga ang buhay. " ngumiti sya at saka bumalik sa trabaho.
Nag out na ako. Napansin ko yung puting kotse sa di kalayuan. Palagi ko nalang nakikita yan hasyt. Dumaretso na ako sa kotse ni Kevin. Maya maya lang ay dumating narin sya.
Pumunta kami sa Quezon City Memorial Park. Dun daw kasi ang gusto nya.
"pano ko ba to sisimulan. " napatingin ako sakanya. Nakatingin lang sya sa itaas. Sa langit. Nakahiga kasi sya at yung kamay nya nasa likod ng ulo nya.
" I fall inlove with someone. First love. 4 months na kami nung nalaman namin na may Cancer sya. Isang araw, niyaya nya akong lumabas pumayag ako. Una palang alam ko na gusto na yang magpaalam. Napaka saya nung araw na yun. Pero nung gabing inuwi ko sya sa bahay nila. Kinabukasan nabalitaan ko na wala na sya. " kahit isang maikling maikling buod yun naiyak ako. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Kevin ngayon.
" Isang gaong mahigit na fin ang nakakalipas. Binuhos ko sakanya lahat. Kaya nung nawala sya halos pagbaksakan ako ng langit. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy yung buhay ko. Yung mga pangarap na binuo namin. Yung mga pangako namin sa isat isa. Masakit. Sobra. Pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala na sya. Pinilit ko kahit mahirap" kahit pala ang isang cold masungit na kagaya ni Kevin ay may dinaramdam din na ganito.
Ramdam na ramdam mo yung sakit. Sa bawat word na lumalabas sa bibig nya. Umupo sya at halata mong pinupunasan nya yung luha sa mga mata nya. Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Siguro ako naman. Ako naman ang mag kocomfort sakanya ngayon.
"lahat nang nangyayari ay may rason. Siguro may purpose kaya sya namatay. Masaya ako kasi nagawa mo parin ipagpatuloy ang buhay mo kahit wala na sya. Tingin ko masaya na sya kung nasaan sya." niyakap narin nya ako.
Tahimik lang kaming dalawa. Humiwalay narin sya sa pagkakayakap saakin.
"You should give him another chance" sure akong si Dyan ang tinutukoy nya.
Pagkauwi ko ay tinanong ko kay mama kung kanino yung kotseng puti sa harap ng bahay. Hindi naman daw nya alam kung kanino yun.
Napaisip naman ako. Hindi naman siguro kay Jake ang sasakyan na yun kasi Silver ang kulay ng sasakyan nya. Saka hindi naman siguro bumili ng sasakyan yun para--- hayst.
