Pagkaraan ng isang linggo.

Nakatira kami sa iisang bahay nagpapansinan naman pero hindi madalas. Magkahiwalay ng kwarto. Hinahatid nya parin ako. Tama kayo! Kasal na kami...

At ngayon sasama ako sakanya sa office nya. Kasi bukas, aalis na sya pupunta daw kasi sya muna sa ibang bansa sya muna magaayos ng business nila dun...

"tara na? " tumango lang ako bilang sagot...

Nalaman ko din na secretary nya si Heart.

~•~•~•~•~•~
" may asawa kana Dyan! Sana naman irespeto mo yung nararamdaman ng asawa mo. Sana naman dumistansya ka kay Heart"

"are you serious? Ikaw mismo ang nagsabi na walang pakielamanan diba? And bakit ganyan ang reaction mo? Nagseselos kaba? Kasal lang tayo sa papel diba?"

" oo nagseselos ako! Oo ako mismo nagsabi na do what ever you want! Nagselos ako nung mga araw na yun! Selfish ako eh! Selfish! Gusto ko akin ka lang! Gusto ko ako lang! Sorry kasi ganito ang reaksiyon ko! Sorry kasi wala akong karapatan magalit at magselos! Kasi kasal lang naman tayo sa papel! "
My tears fall apart.
Lumabas ako sa office nya!
I run as fast as i can.

Mali bang magselos? Di ko lang naman nagustuhan yung mga titig ng babaeng yun kay Dyan eh! Oo mahal ko na si Dyan! Nasabi ko lang naman yung mga katagang yun nung araw na nasabi ko na walang pakielamanan kasi nagseselos ako! Babae lang ako! Abnormal!

Mali bang ipagdamot ko ang asawa ko sa iba? Halata naman kasing inaakit ni heart si Dyan eh! Halata naman na may gusto sya sa asawa ko! Babae din ako! Nahahalata ko, nararamdaman ko kung may gusto na yung babae sa asawa ko!



Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay namin

Pumasok ako at naupo sa sala.

"Dyan?" galing kasi sya sa taas
Kaya nagulat ako nung may bumaba at napagtanto ko na sya nga yun.

"star?" sa pagtawag palang nya ng pangalan ko ay agad akong napaiyak ewan ko ba!

"sorry ulit Dyan! Mahal kasi kita kaya ganun yung reaction ko kanina"

Dahan-dahan naman syang lumapit saakin at inangat ang aking ulo.

" its okay, Kinausap ko na si heart, inilipat ko nalang sya sa ibang kompanya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo nasabi sakin yung mga yun 1 week ago. Bakit kasi hindi mo agad sinabi saakin? "

"nahihiya kasi ako nun. Saka alam ko naman nun na wala akong karapatan mag selos saka di pa ako sure sa naratamdaman ko nun eh. "

Directly looking in his eyes... He just hug me...

Mas lalo akong naiyak sa ginawa nya!

Bakit kasi ang bait nya? Bakit kasi mahinhin sya magsalita? Yung parang hindi sya nagagalit? Yung sagutan namin kanina sa office nya eh  hindi manlang tumaas yung boses nya...

" Baby, dont cry." kasabay nito ang paghaplos nya sa buhok ko...

Napaka suwerte ko sa asawa ko. Mabait na nga , Gwapo pa, Mayaman pa! Hahahhaha

"Dyan?"

"hmm?"

"akin ka lang ah?"

"syempre naman" ngumiti sya pag kasabi nya nito at ginulo ang buhok ko!

Yung ngiti nyang yan? Jan ako na fall.

Hayst! Alam ko malabong magkagusto saakin ang asawa ko! Baka nga kapatid lang ang turing nya saakin eh! Syempre! Limang taon ba naman ang agwat namin dalawa?!

Pero hindi naman malabong magkagusto din sya saakin diba?

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon