12

16 3 0
                                    

Andy.




Naglunch kami ngayon sa isang restaurant. Napansin kong may sinusundan ang mga mata nya. Tinignan ko naman kung saan sya nakatingin. And know what? Sinusundan nya ng tingin ang isang babae. Nainsecure naman ako. Oo maputi sya maganda pa , sexy, saan ka pa diba?

"who is she?"tanong ko. Habang nakatingin parin dun sa babaeng tinititigan at sinusundan ng mga mata nya.

"who?" tanong nya.

"yung babaeng sinusundan ng mga mata mo kanina pa." tinignan naman nya ako. Kumunot yung noo nya. Tingin nya siguro hindi ko mapapansin ang pagtingin nya sa iba noh?

"wala yun. Continue eating." hindi ko alam pero nag init yung ulo ko sa sinabi nya. Nanaiinis ako na para bang gusto ko syang iwan dito para makaramdam naman sya.

"I said! Who is she? Did you know her?" medyo tumaas na yung boses ko. Pano ba naman ilang ulit ko nang  tinatanong kung sino yung babaeng sinusundan nya ng tingin eh ang sagot ah wala yun. Wala? Wala? Kung wala bakit sinusundan nya ng tingin yung babaeng yun?

"Andy! We're in restaurant not in public place! " nagulat ako sa sinabi nya. Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Sinamaan ko narin sya ng tingin.
Tumayo ako at mabilis na naglakad palabas sa restaurant na pinagkainan namin.

Bakit? Nang dahil ba sa babaeng yin nagawa nya saakin yun? Sensitive na yung sensitive. Mababaw na Kung mababaw.

Umuwi na ako sa bahay. Tinext ko narin yung manager namin sinabi ko nalang na im not feeling well kaya hindi ako makakapasom ngayong tanghali.

Dumaretso ako sa kwarto ko nagkulong muna ako dun. Ayaw ko rin munang makita si dyan. Hindi dahil sa nataasan nya ako ng boses kanina sa restaurant mabuti at konti lang ang tao dun at medyo malayo sa pwesto namin, kung hindi mas gugustuhin ko nang lumubog dun sa tiles sa sobrang kahihiyaan. At hindi rin ako nagagalit sakanya dahil sa nataasan nya ako ng boses.

Kasalan ko din naman kasi. Nagtatanong lang naman kasi kung sino yung babaeng sinusu dan nya tingin at kung kakilala ba nya iyon. Kaysa kasi maayos na sagot ang isagot nya sakin ay parang may tinatago pa sya saakin.

" star, open the door lets talk." mahinhin na pagsabi nito.

Wow huh? Kanina ang tawag saakin Andy tapos ngayon star na? Hindi parin ako nagsasalita. Pinapakinggan ko parin ang mgasasabihin nya.

" just open the door i will explain everything" hindi parin ako nagsalita. Hindi parin ako gumagawa ng action. In short hindi ko parin binubuksan ang pinto.

Napride na kung ma pride.

"okay. Mukhang wala kang balak buksan ang pinto. At mukhang wala ka ring balak magsalita."nakarinig naman ako ng katabog mukhang umupo sya at sumandal sa may pinto.

Anong gagawin nya? Maghihintay hanggang sa magsalita ako at pagbuksang sya ng pinto. Parang nakukunsensya naman ako kaya lumaoit na ako sa may pinto.

Kagaya ng sa tingin kong ginawa nya ganun din ang ginawa ko.
Umupo din ako at sumandal sa may pinto. Naghihintay ng susunod nyang sasabihin.


"star. Yung babaeng sinusundan ko ng tingin kanina ay si Karen. Oo kilala ko sya." nakikinig parin ako. Hindi parin ako nagtangka magsalita.

"And she's my ex." hindi ko alam pero parang naiiyak ako sa sinabi nya. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Pero still gusto ko parin makinig sa lahat ng sasabihin nya.

Handa akong malaman lahat. Kahit masaktan pa ako. Kahit masaktan pa ako sa malalaman ako.


"3 years din kami. She's my first crush. First love. First girlfriend."
Bumuntong hininga ako. Ewan ko pero unti-unting tumutulo yung mga luha ko.


" Sya din yung naging mundo ko nung mga panahon na naging kami. Binuhos ko lahat sakanya. I can do everything para sakanya. Lahat lahat." tuloy parin ako sa pakikinig kahit tuloy tuloy na yung pagbuhos nang luha ko.

Mahal ko si Dyan, sobra. Kaya siguro nasasaktan ako ng ganito.

" Naging masaya ako sakanya sa loob ng tatlong taon. Sya lang yung babaeng nagparamdam saakin ng ganun. When im with her napakasaya ko, sobra. " napapasinghot na ako dito. Humihikbi hikbi narin ako. Pero pinipigilan ko yung pag hagulgol ko kasi ayaw ko marinig nya yun, at ayaw ko rin malaman nya na umiiyak ako.


"kaya nung natapos yung relasyon namin parang pinagbaksakan ako ng langit. Hindi ko alam kung anong dahilan. Halos wala nang saysay yung buhay ko nun halos hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy yung buhay ko nung nawala sya. Mahal na mahal ko sya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tinapos nya na."
Sa mga narinig ko mas bumilis ang pagdaloy ng mga luha ko. Nag uunahan silang lumabas. Napaoahawak narin ako sa bibig ko.


" hanggan sa nalaman ko na pumunta sya sa ibang bansa. Ginawa ko lahat para habulin at pigilan sya sa pagalis kaso huli na nakasakay na sya ng eroplano. Tinanong ko lahat ng kaibigan nya kung saan sya pupunta pero wala silang alam. "   tahimik parin still nakikinig kahit nasasaktan na . Alam mo yun? Yung okay lang kahit masaktan ka.

" and now, ngayon ko lang ulit sya nakita. Hindi parin sya nag babago. Sya parin yung karen na nakilala ko." hindi ko alam kung anong dapat isipin.

Mahal pa kaya nya si karen? Pano kung magkita ulit sila iiwan kaya nya ako? Hindi ko alam kung anong dapat at tamang isipin.

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon