8:30 ang open ng restaurant 9 naman ang closing. Naglakad lang kaming tatlo nila Cath at Jj. Malapit lapit lang naman kasi para makapag exercise kami.
Pagdating namin dun ay may sasakyan na agad na nakapark.
"kanino kaya ito prend?" tanong ni Jj parehas lang kaming nagkibit balikat ni Cath.
Nang makarating kami sa harap ng resto ay nakita ko agad si Dyan.
"Jake ang aga mo naman yata?" tanong ni cath sakanya. Ngumiti lang sya tapos lumapit na saakin. Hinawakan yung kamay ko.
Kinikilig ako. Hahaha parang tanga lang eh no?
"Namiss kasi agad kita kaya maaga palang nandito na ako" bulong naman nito. Namas lalong ikinilig ko. Ano ba? Kanina ka pa ah? Hahaha makeme!
Binuksan nanamin yung resto. Ay oo nga pala.
"kumain kana ba?" tanong ko sakanya.
"Hindi pa nga eh. " siniko naman ako ng dalawa kong kaibigan. Ano bang problema nila?
Ayun nga nagluto ako ang makakain ni Dyan. Sinerve naman ito ni Jj sakanya.
"mukhang di ka gutom ah!" biro ni Cath sakanya.
Hinila naman ako ni Jj dun sa may counter.
"prend! Manila to tagaytay ang byahe ng asawa mo!" oh eh ano naman?
"ang slow talaga noh? Yung effort nya te! Effort!" napalunok naman ako sumilip ako sakanya ayun. Nakatingin saakin ngumiti ako ganun don sya saakin.
"ay yun ba?" tinarayan nalang ako ni Jj ano bang problema nila ah?
Umupo kaming tatlo sa harap ni Dyan.
"Kumain na bakayo?" tanong nito. Tumango tango naman kaming tatlo.
"sayo pala yung kotseng naka park dun sa parking. "
"oo nga pala Jake ibang kotse nanaman?"
Tahimik lang ako habang nakikunig sa usapan nila.
"hindi. Kay Daddy yang gamit ko"
Nung natapos syang kumain. Dumating naman ang mga ibang staff dito sa resto. Nag ayos na kami kasi malapit na ang opening. Sarado kami tuwing wed.
"Andy?"lumingon ako sakanya. Tumingin ako sa mga mata nya. Mukhang nagaalala yata sya.
"okay ka lang ba? Mukhang matamlay ka kasi?" sabi nito. Ayun nga kaya matamlay ako ngayon kasi nga. Ano. Ano meron kasi ako ngayon.
"meron sya" singit ni Jj nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi nya. Kahit kailan talaga ang daldal nya.
"ah ganun ba. Mauna na dim ako. May meeting pa kasi ako mamaya maya" tumango ako at saka hinatid sya sa labas.
"hmm Dyan. Okay lang kahit hindi ka dito mag lunch. Naiintindihan ko yun. Yung oras mo pa punta dito at pabalik sa manila masyadong---" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi niyakap na nya ako.
"dito nalang ako mag dinner okay?" tumango ako. Hinalikan naman nya ako sa noo at tuluyan nang umalis.
Umaga palang ay madami dami na agad ang mga customers tumulong din ako sa pagluto at pag serve. Nakakapagpahinga naman kami tuwing 3 ganun kasi konti lang ang Customers sa ganung oras.
"uy bakla mag na-nine na oh! Wala pa si Jake mo! Tuloy ba sya?"
"yun naman ang sabi nya" bumalik yung tingin ko sa tv.
"kung tawagan mo na kaya" hindi naman ako nakatanggi sa sinabi nila kasi kinukulit nila ako.
Nung nagring na...
"oh? Namiss mo agad ako?" ngumiti ako sa bungad na salita nya.
"ayan ngumiti ka din. " huh? Ano daw? Pano nya nalaman na nakangiti ako?
"wag ka magalala nandito na ako. Nasa likod mo" dali dali akong tumingin sa likod at ayun. Nakakatingin nga sya saakin. Lumapit sya saakin at humalik sya sa noo ko.
"Miss me?"
"baka naman you miss me?" ginulo nya yung buhok ko. Agad ko namang inayos yun. Inihanda ko na yung kakainin nya.
