Ilang days ....

Ilang weeks....

Ilang months....


Ilang years narin ang nakalipas....



Nakagraduate narin ako.
Nagtratrabaho na nga ako eh.
At 21 na ako.
Pero si Dyan hindi larin nakakauwi.
Tumatawag din sya saakin.
Nag vi-video call din naman kami minsan kapag may time sya. Free time.





Walang araw na hindi ko sya naisip.
Hinintay.

Alam narin ng bestfriend ko na kasal na ako.


Kasalukuyang kumakain kami dito sa isang restaurant. Kasama ko sila JJ at Catherinna.

Bakla si JJ, naging kaibigan ko sila simula nung nagtrabaho ako. Nagtrabaho sa kompanya nila Dyan.


"Bakla kailan ko ba makikilala si Sir Jake Na asawa mo ah?"

'hindi ko nga rin alam eh. Hindi ko nga rin alam kung kailan kami ulit mag kikita.'  yan ang gusto kong sabihin sakanya kaso....


" Akin lang ang asawa ko! Akin lang sya!" yan ang sinabi ko sabay taray...

Nag palakpakan naman ang dalawang ito!


"bongga! " sabay palakpak ni JJ


Alam mo yun? Yung akala nila sa masaya ako pero sa likod ng mga ngiting ito, may tinatago rin palang kalungkutan...
Makeme....
Hahahahahahaha makahugot naman ako wagas eh noh?







~•~•~•~•~•~

"dadating na si sir! Mag ayos ayos na kayo."


"uy! Baka si Sir Jake na yan!"


" Ang gwapo gwapo pa naman ni sir Jake."

Mga bulong bulungan ng mga kata-trabaho namin
Napangiti naman ako at hindi mapakali, excited na ako na makita ulit ang aking hubby!



"okay everyone let's all welcome Mr. Monterede Sr. " lahat naman nag sipalakpakan nang malaman na ang tatay pala ni Dyan ang sinasabi nilang sir or boss.


Pinaupo naman na kami at pinabalik sa pagta-trabaho.




" masakit talagang umasa bakla " sabay tap ng shoulder ko...

Hayst!

Tama nga sila! Masakit talagang umasa!



Sino ba kasing nagsabi na si Dyan ang darating ah?
Naku naman! Maganda na mood ko eh!




"saka bakla kapag ang asawa mo na ang darating for sure ikaw ang unang makakaalam."



Sabagay. Nasaan kaya yung mokong na yun? Ano na kayang ginagawa nya? Kumain na kaya yun? Hayst!
Kailan kaya uuwi yun?





" Mrs. monterede pinapatawag po kayo ni Sr. Dun sa office nya" tumango tango ako para malaman nya na susunod na ako. Ang secretary pala ni daddy ang tumawag saakin.






Kumatok muna ako bago pumasok... Most polite kaya nung mga bandang elementary ako hahahhaaa.




"sir?"



" sir nanaman daddy" pagtatama nya.

Ngumiti naman ako




" kamusta ka naman?"

"okay lang po?"  patanong talaga yan hahhaa kasi pati nararamdaman ko di ako sigurado.

"sir este daddy. Kamusta naman po si Dyan? "



"actually yun ang pakay kong sabihin sayo kaya pinatawag kita."  yumuko sya bigla pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang ito.

Parang kinakabahan tuloy ako.



" daddy may masama pu bang nangyari?" ewan ko pero parang kinakabahan ako....







" You must go home."

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon