13

15 3 0
                                    

Andy.



3 days ago nung umamin saakin si Dyan. Madaming nagbago. Naging tahimik na rin ako pag dating sakanya. Magkatabi pa naman kami sa higaan pero hindi na ako nag kwe-kwento sakanya. Kung tatanungin nya ako dun ko lang sya kinakausap. Sabay parin naman kami maglunch pero hindi na kagaya ng dafi na nag bonding pa kami pag katapos.

Pag 11:30 wala pa sya dito sa building namin ako na kung pupunta dun sa kanya. Minsan dinadalhan ko pa sya ng pagkain kapag alam ko madami syang ginagawa.
Minsa dun narin kami kumain sa office nya kasi busy sya.

" Andy?" napangiti ako kasi 11 palang nandito na agad sya.

" oh? Napaaga ka yata?" tanong ko.

"eh. Ano kasi. Hmmm hindi pala kita masasabayan mag lunch ngayon " natanggal yung galak sa mukha ko.

"ah ganun ba? Sige okay lang."ngumiti ako pagmatapos kong sabihin yan kaso pilit nga lang.

"nagyaya kasi si Karen maglunch."napaangat agad yung ulo ko at napatingin sakanya agad. Seryoso syang nakatingin din saakin.
Hayst. Tumango nalang ako para sabihin 'sige' .

"sir jake saamin nalang sya sasabay maglunch!" sinabi naman ni jj. Tumingin ako sakanya at ngumiti. Ngumiti din sya saakin gaya ng ginawa ko.

" sunduin nalang kita mamaya. " sabi naman ni dyan. Seryoso parin syang nakatingin saakin. Tatango na sana ako sayo nagsalita ulit si jj

"sir kami nalang po maghahatid sakanya. May pupuntahan pa kasi kami mamaya pag uwi sir. " sabay sign naman nito saakin.

"o-oo tama si jj. May pupuntahan pa kasi kami mamaya." ngumiti ako sakanya tapos tumango naman sya tapos nag paalam saamin na aalis na sya.

Tumingin naman ako kay jj ngumiti ako sakanya. Ang sakit lang kasi pumunta sya ng maaga dito sa building naman para lang sabihin na hindi sya makakasabay saakin mag lunch kasi kasabay nya si karen.

Kasabay pala namin yung bagong department learder namin kasama na sya saamin.

" bakla. Uy? Masyado mong iniisip yung asawa mo at yung ex nya.." sabi ni cath. Tama sya inisip ko si Dyan ngayon at si karen. Masaya kaya si Dyan sa piling ni Karen ngayon? Naiisip pa kaya nya ako?

"Napapaisip lang ako kung anong ginagawa nila ngayon." sabi ko sa kanila. Hay naku. Ano nga ba?

"bakit di kaya natin sundan?" lahat kami nagulat sa sinabi ni sir erick

"hala sir wag. Mas pinapakita natin na bitter si Andy!" sabi naman nitong si jj.

"May asawa na sya bakit mas pinili pa nyang makasama yung ex nya kaysa sa asawa nya, present ka nya eh. " sasagot na sana ako kaso siningitan nanaman ako nitong si jj

"kasal lang sila sir sa papel."
"at sir si Andy lang naman itong mag isang umiibig sa kanilang dalawa eh"
Singit nang dalawa kong kaibigan. Alam ko naman na totoo lahat ng sinabi nila pero masakit eh. Tagos! Naloloka na nga ako eh. True hurts!

"Nandiro naman ako Andy. Wag kana masaktan!" nagulat ako sa sinabi ni sir. Napatingin kami sakanya. Hinihintay namin yung salitang joke na kasunod. Pero wala? So ibig sabihin nun totoo?

"ayt sir. Hahaha bongga ka. Sir alam ko single ka. Pero sir ako din sir single. May asawa na yan!" baliw talaga itong si Jj. Hahahhaa

Kahit papaano napasaya ako nila Cath, Jj at si sir Erick. Pero iniisip ko parin kung ano na kayang ginagawa nila. Kung masaya kaya silang magakasamang dalawa? Kung naiisip kaya ako ni dyan?

Hindi sila Cath at JJ ang naghatid saakin. Kundi si sir Erick. Pinagbukasan naman ako ni sir ng pinto. Bumababa na ako at nagpasalamat sakanya sa paghatid.

Papasok na sana ako. Pero nakita ko si Dyan na nakasandal sa pinto. Napalunok tuloy. Ang sama ng tingin nya saakin. Parang may ginawa akong kasalanan

"Hi? Nakauwi kana pala. Kumain kana ba? Pasok na tayo sa loob?" pumasok nga kami sa loob.

"akala ko ba si JJ ang maghahatid sayo bakit ibang lalaki ang naghatid sayo?" natatakot ako sakanya kasi parang kakainin nya ako ng buong buo. Yung mga tingin nya saakin parangbpapatayin na nya ako.

" si sir Erick ang naghatid saakin. Hindi ako nahatid nila Jj kasi nakainum na sila. Kumain kana ba?" tumingin ulit ako sakanya kaso hindi parin nababawasan yung tingin nyang napaka seryoso.

" Erick? Yung bagong department leader nyo? Ang bilis nyo naman yatang maging close?" parang hindi ko na yata gusto ang pananalita ni Dyan.

"Dyan. Sya ang department leader namin ibigsabihin nun ay katrabaho ko sya. Naging close kami kasi kaibigan din sya nila cath okay? Hindi na maganda ang tabas ng pananalita mo umayos ka!" umupo na ako kasi masakit na yung leeg ko kasi ang tangkad nya.

" kumain na. Magshower kana para makapag-pahinga kana" umakyat naman na sya. Umakyat narin ako at sinunod ang sinabi nya.

Sa kwarto ko, ako parin naliligo, nag shower, nagbibihis. Pag katapos ko gawin ang sinabi nya ay pumasok na ako sa kwarto nya. Dun na kasi ako natutulog. Sa tabi nya.

" about dun sa kanina sorry pala. Sini-siguro ko lang." tumango tango nalanga ako kahit gusto kong tanungin kung anong sinisiguro nya.
Saka ayaw ko natin humaba ang usapan kasi pagod ako.



AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon