Hasyt nandito kami ngayon sa kwarto ni Dyan
Nung mga panahon kasi na kinasal kami magkahiwalay pa ang kwarto namin. Kasi 16 palang ako nun
Nagtataka siguro kayo kung bakit 16 palang ako at pinayagan na agad akong kinasal.Ganito kasi iyon,
Pumawag kasi ang parents ko at suportado nila ang kasal kaya pumawag ang simbahan.
Kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit nya dito sa kwarto nya. Trabaho ng asawa/misis.
"kamusta ka naman? Baka naman puro work ka lang dun? Baka naman pinapabayaan mo na yung sarili mo dun?"
Umupo ako sa kama kung saan sya nakahiga.
Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti
" hindi ko pinabayaan yung sarili ko dun hon. Kasi kung pinabayaan ko alam kong magaalala yung sawa ko"
Kinilig ako dun. Hahahahaha grabe sya eh tinawag nya akong hon. Hahahaha
" baka naman may babae ka dun?"
Natawa naman sya sa Sinabi ko kaya umupo po din sya katulad ng saakin
" syempre di ko magagawang mambabae, kasi umpisa palang nagbilin kana hahahahha ikaw talaga"
Hinalikan naman nya ako sa noo.
" dapat lang! Kasi kung malaman ko na may naging babae ka dun susundutin ko yang pwet mo!"
Mas lalong ikinatuwa nya yung sinabi ko .
Ay, ay ,ay ,wag syang matuwa kasi kalag nalaman ko talaga lagot sya saakin." hahaha ikaw talaga. matulog na tayo hon?, past 10 narin oh?" tumango tango naman ako
Nahiga na ako, pero ikinagulat ko dahil yumakap sya saakin. Nakatalikod ako sakanya so ang dating ay parang back hug?
Kinilig ako lalo nung yumakap sya saakin.
~•~•~•~•~•~
Dahan-dahan kong tinanggal yung kamay nyang nakayakap saakin..
Umaga na rin at kailangan ko nang magluto...
Ako kasi ang nagluluto tuwing pang breakfast at kapag meryenda hahahahaha yun lang alam kong lutuin...
Tumayo na ako at dumaretso sa cr...
Bumaba narin ako pagkatapos kong mag cr para makapagluto na....
"oh anak, naihanda ko na lahat ng lulutuin mo. " tumango naman ako
Dumaretso ako sa kusina at si inay naman ay dumaretso sa garden para mag linis....
Naihanda ko na lahat ng aking naluto sa hapag kainan...
Tinawag ko na din si inay para kumain.
Humarap ako sa taong yumakao saakin mula sa likod.
Napangiti ako nung parang batang yumakap saakin kasi inaantok pa sya.
" nagising ako agad nung namalayan kong wala kana sa tabi ko " nag pout naman sya
Ayt ang cute cute hahahaha...
Pinaupo ko naman sya at pinag handa ng makakain"marunong ka palang mag luto"
Napangiti ako nung sinabi nya yan at nagpatuloy kumainAlam mo yung feeling na kapag ikaw yung nagluto eh parang ang bilis bilis mong mabusog?
Ganun kasi ako eh. May pagka-malakasin din naman akong kumain pero kapag ako na yung magluluto eh parang busog na ako pag kakain na...Inayos ko na muna yung kailangan ni Dyan pag pasok bago ko ayusin yung mga kailangan ko lag pasok...
Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko si Dyan na naka sandal sa pinto ng kwarto nya... Kakatapos ko lang mag ayos para makapasok sa trabaho.
"is there something wrong?" napaangat yung ulo nya nung narinig nya akong magsalita.
Napangiti sya nung nakita nya ako.
Mabilis syang naglakad papunta saakin hinawakan yung kamay ko."let's go?" ngumiti ako at tumango
Napaka gwapo nitong escort ko hahahaha.
