Chapter 23- white car
Andy Point of View
Dala-dala ko ang kotse ko. 8:26 am palang pero bakit nandito na agad ang puting kotse. Napapaisip talaga ako kung kanino o sinong may ari ng kotseng puti nayan. Tinitigan ko yung puting kotse. Hindi ko makita yung taong nagmamaneho nito.
"Uy!" napangiti naman ako kasi mukhang okay na sya. Ngumiti sya saakin. Masaya ako para sakanya.
"Kevin! Kanino yung puting kotse na yan?" tinuro ko yung puting kotse gamit yung nguso ko. Sinundan naman nito yung tinuro ko.
"ah yan kay Jake yan" nagulat ako sa sinabi nya. Ano kay Jake?
"kay jake? As in Jake Dyan Monterede?" tanong ko. Ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"JOKE!!! hahhahahahah!!! Malay ko jan sa white car na yan tara na nga!" inakbayan nya ako para mapatalikod na. Sinikuhan ko naman sya.
"what was that for?"
"para yan sa panloloko saakin" tinarayan ko sya at pumunta sa sa restaurant.
Kamusta na kaya sya? Ang balita ko kasi sakanya eh hindi na sya nakatira dun sa bahay namin. Dun na sya nakatira sa bahay nang parents nya.
Mabilis ang pagdaloy ng oras at ngayon? 11 na agad agad. Tumawag saakin si tita. Yung mama ni Kevin sinabi nya na may special customers daw nadarating sinabi naman ni Kevin na dun daw sa garden ang mga ganung customers inayos nanamin yun. Nag banyo muna ako para mag retouch may ganun? Choss! Hahaha
" Ang tagal mo naman!" iritang bungad nito. Hala? Problema nya?
"nandyan na ba sila?" ngiting ngiti kong tanong ngumisi naman sya tapos hinila na ako.
Inayos ko yung damit ko bago ako humarap sakanila
"Hi ma'am, Sir welcome to Monterede's Restaurant" tumingin saakin yung customers.
"Daddy? Mommy?" tinignan ko si Kevin tapos ngumiti lang sya. Nagpapacute ba sya?
"Hi anak haha. Hindi ka rin ba mag ha-hi kay Jake?" J-Jake? Dahan dahan lumingon saakin yung taong nakaupo sa left side ko. Napalunok ako nung nakita ko sya. Angbilis bilis ng tibok ng puso ko.
Naloloka na ako. Dahan dahan nagform yung labi ko ng isang ngiti. Nagulat ako kasi automatic akong napangiti nung nakita ko sya.
Lumapit naman yung waiter para hingiin yung order nila.
"daddy? Mommy? Alis po mun ko aasikasuhin ko lang lo yung orders nyo." hindi ko hinintay yung sagot nila. Hinila ko si Kevin.
"bakit hindi mo saakin sinabi na sila yung special customers?" ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"and para saan yang ngiting yan? Huh?"
"hindi ka kasi nagtanong" tapos tumaas taas pa yung kilay nya. Inapakan ko nga yung paa. Hahahha
" argh! Atleast nakita mo si jake!" ngumisi sya. Kulang pa ba yung pag apak ko sa paa nga? Kanina pa nya ako inaasar sa ngiti nya tsk.
Napangiti nalang ako. Sumilip muna ako kay Dyan.
"sa isang sulyap n---" tinignan ko sya ng masama bago nya pa maituloy yung kanta nya.
Tawa sya ng tawa kahit kinukurot ko na yung tagiliran nya. Para syang tanga." hi po! Enjoy your meal." ngumiti ako bago tumalikod kanila daddy.
"anak kung sabayan mo na kaya kami maglunch. Sumabay na kayo ni Kevin"
