"mag-ingat ka dun ah? Magta-trabaho, hindi mang babae okay?"
Nakita kong ngumiti sya sa mga sinabi ko.
Lumapit sya saakin at ginulo ang aking buhok."ikaw talaga " hinalikan nya ako sa noo...
Tumalikod na sya para umalis.
Niyakap ko sya.
Ewan ko ba parang naiiyak ako.Hindi rin nya ako pinayagan ihatid sya sa airport baka daw kasi maisama nya ako...
Hindi pa kasi ako pwede sumama sa kanya kasi nagaaral pa ako...
Baka daw kasi maitago nya ako sa maleta nya.
~•~•~•~•~
Dumating na din yung kasambahay na kinuha nila mama para makakasama ko dito sa bahay.
Hindi din ako pinayagan nila mama na dun ako tumira kasama sila.
Para daw kasi masanay na ako.Namimiss ko tuloy agad yung asawa mo. Hayst!
Kahit imposibleng mangyari na asawa talaga ang tingin nun saakin, hay!.
Minsan nga napapaisip ko kung anong tingin nya saakin or anong nararamdam nya para saakin.
Kaibigan lang kaya?
Or mas lumevel up pa dun?
Close- friend kaya?
O baka naman bestfriend?
Ang saklap naman yata kung puro may friend.
Ang hirap kayang isipin, tanggapin na friend lang ang tingin sayo ng taong mahal mo.
Lalo na kung mag asawa na kayo.Ang suwerte ko nga kasi yung taong mahal ko napangasawa ko.
Oo alam ko halos isang linggo palang kaming magkakilala. Pero mahal ko na sya agad .
Inaamin ko crush ko na sya nun nung napapansin ko sya dito sa toenhouse dito.Pano naman kaya kung kapatid yung turing sayo ng taong mahal mo?
Ang sakit naman yata nun?
Hayst! Anu-ano na tong mga iniisip ko hayst!
Okay naman na saakin na ako lang yung magisang nagmamahal saamin dalawa.
Kahit hindi nya suklian yung pagmamahal ko basta alam ko sa sarili ko na naipakita ko sakanya na mahal ko talaga sya.Parang ang tagal ng oras.