Normal lang ulit ang araw ko. Walang kakaibang nangyari. Uwian na rin nakita kong wala pa si Dyan kaya nag antay muna ako dito sa harap ng building. Humanap ako ng mauupuan kasi masyado nang masakit ang paa ko.
Nagopen muna ako ng account ko sa social media. Mga 1 hour narin ang nakakalipas pero wala pa si Dyan. Napaisip tuloy ako kung nagober time ba sya o ano? Kahit kanina ko pa hawak ang cp ko pumunta parin ako sa messages para siguraduhin kung nagtext na ba saakin si Dyan. Pero wala. Wala akong natanggap.
Nagantay antay pa ako ng ilang minuto hanggang sa hindi ko namalayan 8:35pm na pala. Naiiyak na ako. Sumakay na ako ng taxi at dumaan muna sa opisina nila Dyan kaso kagaya nga ng saamin sarado narin ito. Pinadaretso ko na ang sasakyan sa bahay!
Pero pagdatingko dun ay nakapatay ang mga ilaw. Nasaan kaya si Dyan? Nakalock pa rin ang pinto so hindi parin pala sya umuuwi. Pagkatapos kong magpalit at napag-desisyonan ko na maglakad lakad muna. Napadaan din ako sa bahay ng parents nya kaso wala daw sya dun sabi ni Mommy.
Nakarating na ako sa Park mga limang kanto ang layo sa townhouse kung saan kami nakatira. Sa tapat nito ay may isang cafe. Ang bilis bilis ng tibok ng puso. Dahil ba to sa nakita ko? Sa nakikita ko? Si Dyan at Karen. Bakit di manlang nya ako tinext? Pinagantay nya ako! Tapos makikita ko syang nakikipaghalikan sa iba?
Ilang oras akong naghintay sakanya dun! Tapos, tapos ganito? Ganito makikita ko? Hindi ko na napigilan umiyak. Naguunahan yung mga luha ko sa pagtulo. Ang sakit.
May bigla nalang humila saakin. Sisigaw na sana ako nung makita ko si Kevin. Kevin Monterede pinsan ni Dyan. Ang sama ng tingin nya saakin. Pero wala akong pakialam ngayon kung ano man yung tingin nya saakin. Tuloy tuloy parin ako sa pag iyak.
"alam mo! Ang tanga mo! Nasasaktan kana nga patuloy ka parin sa panunuod sakanila! " hindi parin ako nagsasalita at patuloy parin na nakayuko habang umiiyak.
"pst! Tumahan kana! Hindi ako sanay na nakakakita ng babaeng umiiyak!" niyakap nya ako. Mas lalo tuloy akong humagulgol.
Hanggang sa tumahan ako yakao yakap parin nya ako. Humiwalay na ako sa pagkakayap nya.
alam mo yun yung parang may malalim syang nararamdaman.
Tahimik lang ako dito sa isang tabi kasi nahihilo na ako naalala ko pala di pa ako nag di-dinner.Tumayo na ako at magpapaalam nasa sakanya pero bigla nalang dumilim yung paningin ko.
~••~••~••~••~
Kevin point of view.Nagjo-jogging ako nung makita ko Si Andy. Napahinto ako nung nakita ko syang nakatulala nakatingin sa cafe. Lumapit ako sakanya para sana tanungin kung bakit sya nandito kaso nung lumapit ako umiiyak na sya habang nakatingin parin sa cafe.
Naginit yung ulo nung nakita ko yung pinsan ko nakikipaghalikan sa ex nya! Kung hindi ako nagkakamali Karen ang pangalan nun. Inis na inis na ako. Hinila ko na si Andy.
"alam mo! Ang tanga mo! Nasasaktan kana nga patuloy ka parin sa panunuod sakanila! " hindi sya umimik still umiiyak parin sya.
"pst! Tumahan kana! Hindi ako sanay na nakakakita ng babaeng umiiyak! Niyakap ko na sya para patahanin. Pero mas lalo yatang humagulgol ito.
Humiwalay narin sya nung tumahan na sya. Nakatingin lang ako sakanya. Bigla nalang syang nawalan ng malay. Mabuti at nasalo ko sya. Hindi ko alam kung anong gagawin.
Ang unang pumasok sa isip ko ay dalhin sya sa ospital.
Tinawagan ko narin sila tito at tita para sabihin na nandito si Andy sa hospital. Agad din naman silang pumunta dito. Nung nakita ko si Jake na tumatakbo palapit dito ay tumayo na ako.
"kamusta sya? " naginit yung ulo ko sa sinabi nya at hindi ko na pigilan ang sarili ko na suntukin sya.
"g*g* alam mo ba na nakita nya kayo nung ex mo na naghahalikan sa cafe sa tapat ng park" gulat na gulat sya sa sinabi ko at agad na pinunasan yung dugo sa labi nya.
Sinuntok na sya yung pader. Sigjro na inis narin sya sa sarili aba! Dapat lang kasi kasalanan nya!
"Kevin! Kevin anong sabi ng doctor?" tanong ng mama ni Andy
"wala pa po!" pumasok na kasi kami sa kwarto ni Andy. Ang himbing ng tulog nya. Ang ganda! Napailang nalang ako sa naisip ko.
"hello? Sino po ang magulang ng pasiyente? " tumayo si Tito at si tita.
" Normal lang po ang lagay. Nalipasan lang sya ng gutom kaya po sya nawalan ng malay" umalis na rin ang doctor after sabihin yun.
Nagkatingin kami ni Jake sinamaan ko lang sya ng tingin bumalik naman yung tingin nya kay Andy.
"Jake Ikaw nang bahala kay Andy ah? Dadalaw nalang kami bukas sainyo" nagpaalam na din ako kanila tito at tita nagpaiwan ako kasi gusto ko nandito kapag gumising sya.
Umalis din si dyan para bayaran yung bill. Nakita ko naman na gumalaw si Andy kaya lumapit ako. Maya maya lang ay nagopen na yung mga mata nya. Napansin ko din na tumingin sya sa paligid nya
"nasa ospital ba ako? Bakit ako nandito? Nasaan si Dyan?" napakunot yung noo ko nung narinig ko yung pangalan ni Dyan.
"nahimatay ka!" napaisip naman sya sa sinabi ko. Umalis narin ako at nagpaalam kay dyan.
Magkapatid ang papa ko at ang daddy ni Jake. Sakanila pinamana ni Lolo ang mga townhouse. Saamin naman ang mga hotel's and restaurant. Ang kay tita Sandra naman ang mga condo.
Mas matanda si Jake ng tatlong taon saakin. Close kami pero hindi masyado. Umuwi narin ako sa bahay. Tianong rin ni mama kung bakit anong oras na akong umuwi. Sinabi ko naman ang totoo. Magisa lang akong anak namatay ang papa ko dahil sa heartattack.
••••••••••
"anak nandyan si Andy sa labas " nagmadali akong lumabas paalis narin ako para pumasok sa trabaho.
"oh? Napadalaw ka?" oo alam ko cold ako! Masungit.
"gusto ko lang magpasalamat kasi ikaw pala ang nagdala saakin sa hospital, thanks din kasi kinomfort mo ako . Ito oh!" inabot nya saakin yung box binuksan ko cake pala.
"hatid na kita?" napansin ko kasi na wala syang dalang sasakyan tumango naman sya.
Hindi pa sila magkatrabaho magkaibang building pala sila.
