Ilang araw narin akong pinagloloko ni Dyan sa text. Ewan ko ba kung masyafo syang mahangin oh sadyang yun yung way nya para mapalagay ulit ang loob ko sakanya.

"Hi hon" humalik sya sa pisngi ko bago umupo.

"Musta work? Mukhang pagod ka ah?"  Tanong ko. Bakas din kasi sa mga mata nya ang pagod.

"Hon? Ikaw ba talaga yan? "

"Oo nga prend! Ikaw ba yan?"

"Ilabas mo si Andy!" Hinawakan pa ako ni cath sa balikat.

"Ano bang masama? Asawa ko naman yan noh! Normal lang na magalala ako. Kahit mukhang ewan mag text!" Ngiting ngiti naman itong tatlong ito.

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Dyan yung kamay ko.

"Hon. Kinikilig ako wag kang ganyan." Bulong nito na syang ikinangiti ko. Parang bakla eh hahaha. But i find it cute hahaha.

-

Grabe ang lakas nang ulan. Tapos 10 na. Uuwi pa si Dyan. Tsk!

"Prend! Dito mo na patulugin si Dyan!" Bulong ni jj. Nandito kami ngayon sa condo. Siguro nga tama sya. Saka mas lalong lumalakas ang ulan eh.

"Dito ka nalang muna mag stay Hon. " humarap naman ito na mukhang gulat na gulat. May nasabi ba akong mali?

"Totoo ba ito? Tinawag mo akong hon? " tumango naman ako. Niyakap naman ako nito. Big deal ba masyado?

"May dala ka bang extra na damit? " naka long sleeves pa kasi sya.

Tumango naman ito.

Sinamahan ko sya kunin yung gamit sya sa kotse mabuti nalang at kumpleto. Hahaha

-

Nagising ako nang magkayakap kaming dalawa. Napailing nalamg ako. Ano bang mali? Magasawa naman kami? Dahan dahan kong tinanggal yung kamay nya na nakapalupot sa bewang ko.

Pumunta na ako sa cr para mag brush hilamos.

Naghanda narin ako nang almusal.

"Nang nagising ako wala ka na sa tabi ko. Alam mo naman na hindi ako masyadong nakakatulog kapag wala ka sa tabi ko hon" nakaback hug sya saakin ngayon. Kaya habang nagsasalita sya eh nakikiliti ako. Hahaha.

See ibig ba sabihin nang sinabi nya eh hindi sya masyadong nakakatulog kapag di nya ako katabi? Eh ilang months na akong wala sa tabi nya kapag natutulog eh.

"Kapag nakakainom lang ako saka lang ako nakakatulog nang mahimbing" tahimik parin ako habang nagluluto. At ganun din sya naka back hug parin sya saakin habnag nag kukwento.

"Kaya kanila mom at dad ako nakatira kasi kapag sa bahay natin malulungkot lang din ako. Mas lalo akong hindi makakatulog " yun pala ang rason kaya nabalitaan ko na dun na nga sya nakatira sa parents nya. Saka palaging sarado ang ilaw nang bahay namin.

"I miss you my star. " iniharap nya ako sakanya at dahan dahan inilapit ang mukha nya saakin.

Pumikit na din ako kasi malapit na din sya. Ang bilis nang tibok nang puso ko. Nagtama ang ilong namin sign na

"Omo! Sorry! " dahil sa gulat napalayo kami sa isa't isa.

Ngumiti ako nang pilit kay cath! Sayang eh sayang!

Malapit na eh ! Ayun na eh!

Cath! Ang galing nang timing mo!

Cath the best ka talaga!

" okay lang? Hahaha!" Sabi ni dyan.

Tumalikod namana ko sa kanila para tapusin ang lulutuin ko.

"Ano? Cath grabe ka! Dapat hindi kana nagsalita!" Ayan nanaman ang dalawa.

Natawa nalang ako hahaha. Nabitin ako kanina, oo pero hindi din naman kasalan ni cath na makapagsalita kapag nakita nya kaming ganun.

-

Pumunta na din kami sa resto. Umalis na din si Dyan. Kailangan kasi sya dun nang maaga. Yun ang sabi nya.

Bukas na din ang birthday nya. Ano kayang dapat gawin?

Wednesday din bukas. Sarado ang resto.

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon