19

15 2 0
                                    

Andy.

"huh? Si Papa Jake nakikipaghalikan kay Karen?" tanong ni Jj . Naikwento ko na kasi sakanila yung nangyari kahapon.

"kala ko okay na eh. Kala ko happy ending na bakla."  sabi naman ni cath. Oo nga eh akala ko okay na! Akala ko happy na ang mga sumusunod yun pala panandalian din lang pala.

"alam mo prend. Kung isusulat yung love story mo? Eh ang gulo gulo una, hindi ka nun sumasabay kay papa Jake mag lunch kasi si Karen na ang kasabay nya. Pangalawa, nung nalasing sya sabi mo na nasabi nya na mahal ka nya. Pangatlo, naglunch kayo with karen. Pangapat, nakipaghalikan si papa Jake kay karen" napahawak na sya sa ulo nya.

"magiging okay. Tapos hindi ulit, tapos magiging okay ulit tapos hindi ulit. Ang gulo mo bakla " pati din ako naguguluhan na din kung anong mga nangyayari!

"eh sino ang naghatid sayo kanina? Yung gwapo? " napangiti ako sa tanong ni Jj hahahaha.

" si Kevin pinsan nya. Sya yung nagkomfort saakin pati yung nagdala saakin sa hospital nun" nailang naman ako kasi yung tingin nila nakakaloko.

"ano nanamang tingin yan? Ang gulo guko na nga ng buhay ko tapos---"

"prend. Malay mo sya na yung magaayos ng buhay mo ganerns " natawa nalang ako.

Lunch narin namin tinext ko si Sir adrian yung secretary ni Dyan pinasabi ko na sasabay muna ako kanila Jj mag lunch.

"Prend. Alam baka maikakaganda ng relasyon nyo ni Dyan yung maghiwalay muna. Kasi alam mo yun parang pinagpipilitan  nyo yung sarili nyo sa isat isa? Kayo lang din kasi yung nahihirapan. Siguro kailangan nyo munang bigyan ng time yung sarili nyo" napaisip naman ako sa sinabi nya.

"bakla, yung kagaya nga dun sa kana ni JB na Love yourself ganun muna. Alam mo tama si Jj kailangan nyo munang bigyan ng space yung isat isa"  napabuntong hininga muna ako mabuti at 2 pa yung pasok namin may meeting pa kasi yung mga nakakataas saamin.

Siguro nga tama sila Cath at Jj. We need to love ourself first. We need to find ourself first. Kaya siguro kami nasasaktan or i should say kaya siguro ako nasasaktan kasi tinali ko na yung sarili ko sakanya. Nakalimutan ko pala na kasal lang pala sa papel.

Napagdesisyonan ko na nakakausapin ko si Dyan mamaya.

Mabilis ang takbo ng oras at ito. Uwian na sinundo ako ni Dyan kasi may gusto daw syang sabihin saakin. Sinabi ko din na meron din akong sasabihin sakanya. Nakauwi na kami at kinakabahan ako hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Dyan gusto ko muna magkaroon tayo ng space." tinignan ko sya at ayun nakakunot yung noo nya.

"siguro dahil masyado kong naitali yung sarili ko sayo kaya nasasaktan ako ng ganito. Dyan siguro bigyan muna natin ng space yung isat isa. Siguro bigyan muna natin ng time yung isat isa oara makapagisip isip. " sinabi ko yan habang nakatingin sa mga tama nya. Gusto ko malaman nya na seryoso ako sa sinasabi ko.

"Andy, siguro nasasabi mo lang yan kasi yung nakita mo kahapon. Andy hindi. Hindi okay? Hindi tayo maghihiwalay okay?"

"Dyan pinagisipan ko na nang ilang beses. Alam ko ito yung ikakaganda ng relasyon natin. " huminga sya ng malalim tahimik lang kami.

Sinabi ko narin kanila mama na dun muna ako sa bahay namin. Sinabi ko narin yung desisyon ko sa kanila nung    bago kami pumasok sa trabaho. Pumayad naman sila.

Nakita ko naman syang tumango kaya umakyat na ako at inayos yung damit at gamit ko. Mahirap kasi ilang years narin akong nakatira dito sa bahay na ito.

"hindi na ba talaga kita mapipigilan?" napatingin ako sa kanya nakasandal sya sa pintuan ng kwarto ko. Ngumiti ako sakanya pero pilit.

•••••••••

Paggising ko naalala ko na nandito pala ako sa bahay namin. Sa bahay ng parents ko. Bumaba na ako at nakita ko si mama nag luluto.

" oh anak, kumain kana para makapagayos kana papasok pa diba?" ngumiti ko at saka tumango.

Sinunod ko ang sinabi ni mama. Pagkatapos kong kumain ay naligo narin ako.

Sila Jj at Cath ang sumundo saakin.

"Prend. Okay ka lang ba?" tanong nito.

" oo Jj. Nasanay lang kasi talaga ako---"

"pst. Okay lang yan dito pa naman kami eh. You need to find your first okay? Parang cool off lang yan. Hindi pa naman kayo officially hiwalay talaga eh!" tama nga naman sya sumandal ako sa shoulder ni Cath. Hayst.

Sobrang bilis ng oras lunch na agad.

"Mga bakla napagisip isip ko na magtatayo na ako ng restaurant pero bago yun maga-apply muna ako sa isang restaurant para magkaroon ng experience "

"sure ka ba jan bakla? " tumango tango naman ako.

After naming maglunch ay niyaya ko narin sila pabalik sa opisina magpapaalam kasi ako.

"hindi. Ayaw kong pirmahan ito. " sabi ni sir.

"sir please?" mukhang naawa naman sya saakin kaya pinirmahan na nya.

"Andy pero tandaan mo. Welcome ka lang dito okay? Kung gusto mong bumalik welcome ka okay?" tumango tango naman ako saka ngumiti. Inayos ko narin yung gamit ko sa desk ko.

"hala bakla tuloy ka talaga jan? Agad agad? Wala ka pa ngang nahanap na maaapplayan eh" niyakap ko nalang sya. Yumakap na din saamin si Jj

"ano ba kayo magkikita parin naman tayo eh. " pinunasan ko yung mga luha nila. Niyakap nila ulit ako.

Ymuwi na ako dala dala yung mga gamit sa opisina.

" anak? Ang aga mo naman yatang umuwi? Ano yan?" tanong nya sa dala dala ko.

"ma nag resign na po ako sa trabaho. Kukuha muna po ako ng experience sa isang restaurant bago magpatayo ng sarili ko" niyakap ako ni mama.

"sige anak nandito lang kami ng papa mo. Susuportahan ka namin sa gusto mo." napangiti ako sa sinabi ni mama

Simula bukas ay maghahanap na ako ng maaapplayan. Gabi na at napagdesisyunan kong tumambay muna sa park. Nakaupo ako dun habang may 1 gallon na chocolate ice cream.

"Andy?" lumingon ako hanggang sa makita ko si kevin na nasa likod ko.

"uy! Hi? Ice cream oh?" inabutan ko sya ng kutsara umupo naman sya sa tabi ko.

"bakit ka pala nandito?" tanong nya saakin.

"ano kasi nagpapahangin. Nagiisip kasi ako kung saan pwede mag apply. Sa isang restaurant ah" tungin ako saknya naka-kunot yung noo nya. Napa bakit look tuloy ako.

"diba dun ka sa kompanya nila Dyan nagtratrabaho?"

"dati nagresign na ako" hindi na sya nagtanong kung bakit siguro dahil naisip nya na personal na masyado yun.

"kung gusto mo mag-apply ka sa restaurant namin" nag shine like a diamond naman yung mga mata ko nung narinig ko yun.

"talaga? Sige sige." nag kwentuhan lang kami akalain mo yun hotel and restaurant oala ang business nila.

"bakit mo pala gusto magapply sa restaurant?" sabi nito habang kumakain ng ice cream

"balak ko kasi mag tayo ng restaurant! Kaso wala pa akong experience kaya naisip ko na magapply na muna" tumango tango naman sya sa sinabi ko.

" bakit pala nandito ka?" oo alam ko kanina pa kami nag kwe-kwentuhan.

"nag jo-jogging kasi ako tuwing gabi. Work-out parang ganun. Di na kasi ako nakakapag exercise tuwing umaga ."

Hinatid din nya ako sa bahay nagtaka sya kasi bakit dito na ako sa parents ko nakatira sinabi ko nalang na next time ko nalang ikwento sakanya kasi masyadong mahaba.

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon