chapter 24- 5 months later...

Andy's Point of view

Limang buwan narin ang nakakalipas. At ngayon ang grand opening ng resto ko dito sa tagaytay.

Dumating ang mga special na tao sa buhay ko. Pero hindi lahat.

Limang buwan narin ang nakakalipas pero ni isang beses hindi ko nakita si Dyan. Natatandaan ko pa nun nung sinabi nya na maguusap pa kami sa ibang araw sa ibang pagkakataon.

Nasaan kaya sya? Kamusta na kaya sya? Naalala pa kaya nya ako? Madami akong tanong na hindi masagot sagot. Ni hindi ko nga alam kung pupunta sya dito.

"bakla!" napalingon agad ako sa tumawag.

"uy grabe hahah ang ganda ng restaurant mo! Special Corner pa ang pangalan. " tama nga kayo Special Corner ang pinangalan ko sa restaurant ko. Ang daming tao.

"ang ganda ng view prend!" oo nga pala sama sama kaming dito nagtratrabaho nila Cath at Jj ngayon lang sila nakapunta dito kasi nahirapan sila mag papirma sa head.

"eh bakla pupunta ba si Jake? " napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko rin sinagot yung tanong ni Cath kasi pati ako hindi ko alam ang sagot.

"uy!" tumingin ako sa nagsiko saakin si kevin pala.

"mukhang hindi ka naman yata masaya?"

" masaya ako kasi meron na akong sariling restaurant. Pero parang may kulang. "

"ay! Si Jake! 5 months ago pumunta daw sya sa hongkong may inayos sya dun at ang sabi saakin ni tita ngayong month daw ang uwi nya" so ngayon? Ngayon pa ako makakasagap ng balita tungkol sakanya? Bakit ngayon lang? Huminga nalang ako ng malalim.

"ang ganda ng view dito! Ang ganda din ng design ng restaurant oarang ang tamis tamis ng mga pagkain kasi yung wall mo puro sweets!" kumento nya. Pinagmasdan ko naman ang paligid. Tama nga sya.

"ang daddy at mommy pala ni Jake sa ibang araw nalang daw bibisita may ginagawa pa kasi sila. " tuloy nito. Pero nanatili parin akong tahimik.

Nandito si mama at papa ko ayun nagaasikaso sila ng bisita.

May limang chef ako. May 5 waiter at may limang waitress. At kaming tatlo naman nila Cath at Jj ang naka assist sa counter.

May condo kaming kinuha tatlo kami dun kami kami nila cath at Jj malapit lang iyon dito sa Resto. Pwede mo na nga lang lakarin.

May mga pumunta din na co-worker ko nun dun sa kompanya nila Dyan.

"For sure makikilala to agad!" ngiting ngiti na kumento ni Kevin ngumiti nalang din ako.

May Girlfriend narin si Kevin Chloe ang pangalan. Ewan ko ba kung bakit di nya sinama dito yun!

Gusto ko sanang tanungin pero wala akong lakas ng loob. Hinila nya ako tapos dinala nya ako sa mga bisita dito sa resto ayun tinanong ko sila kung kamusta kung okay lang ba itong resto.

Nakita ko yung puting kotse dun sa parking. Matagal tagal ko narin na di nakita yun ah. Iniwan ko narin si kevin kanila mama at lumapit naman ako kay Cath.

"oh bakla!" may isang yellow envelope na inabot saakin si Cath.

Nung nabasa ko ito ay agad kong tinanong kung sino ang nagbigay sinabi naman ni cath na nagmadaling umalis. Tumakbo naman ako sa parking. Wala naman tao dun. Napahawak nalang ako sa noo ko. May tumulo naring luha sa mga mata ko.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Pinunasan ko na ein ang luha na tumulo kanina pumasok na ako sa loob pinagmasdan ko ang palagid at mukhang ang saya saya nila.

Ilang araw narin simula nung grand opening. Nandito ngayon sila daddy at mommy.

"hay anak ang ganda ng view. Pati yung design dito sa restaurant mo ang ganda ganda" ngumiti sya saakin. Ang ganda talaga ng mama ni Dyan. Nakuha ni Dyan yung tangos ng ilong ng mama nya at sa papa naman nya yung mata.

"mommy kamusta naman po si Dyan?"

"nakauwi na sya." bigla naman oarang sumigla ako sa narinig ko.

"hindi pa ba sya pumupunta dito?"

"hindi pa po eh. "

" umuwi sya nung grand opening nitong restaurant mo akala ko nga pumunta sya dito kasi umalis sya nun. Hayaan mo sasabihin ko sa dumalaw naman sya"

Nagpaalam narin sila daddy at mommy. Naiintindihan ko naman kasi sobrang busy talaga nila.

Hindi kaya sya yung nagbigay ng letter nung araw na yun? Yung puting kotse?

Parang unti unting nabubuo yung puzzle. 

Bigla nalang akong kinabahan.

May isang lalaking pumasok dito may kasama sya isang babae. Mas lalo akong kinabahan nung nakita ko si Karen kasama nya si Dyan. Jindi ko alam kung anong daoat kong isipin sa nakikita ko.

Nung dumapo yung tingin nila sa kinauupuan ko ay agad kumaway si Karen saakin at dali daling umupo sa harap ko sumunod naman sakanya si Dyan.

Tahimik lang ako samantalang nakangiti si karen sa harap ko.

Sinabi nya din ang kumento nya dito sa resto ko. Kagaya ng kumento ng iba ganun din ang kanya. Lumipat ang tingin ko sa lalaking katabi nya. Nakatingin lang din sya saakin. Parang may kumirot sa dibdib ko. Naiiyak na ako. Ewan ko ba. Masyado ang masina oagdating sa pakikipagtitigan sakanya.

"Masaya ako dahil natupad mo na yung pangarap mo" nakatingin lang ako sa mga mata nya.

Nagorder narin sila habang hinihintay yung order nila eh nakipag kwentuhan muna sila saakin.

"may Banyo muna ako." paalam ni Karen.

"Andy" kinabahan ako sa pagtawag nya sa pangalan ko. Ano ba toh?

"Natupad mo na yung pangarap mo. Pwede na ba nating ayusin yung atin?" napatingin ako sakanya. Tinitigan ko nalang sya. Itong lalaking nasa harap ko ngayon ito yung lalaking mahal na mahal ko

Tumulo na ng kusa ang luha ko.

Tumayo na ako kasi ayaw kong makita nya akong umiiyak. Alam ko naman eh. Alam ko naman halata naman.

Nagulat ako sa ginawa nya. Hinila nya ako at saktong napayakap ako sakanya. Sa lakas ng impact ng paghila nya saakin.

" im sorry for everything that i had done. I love you at hindi mababago yun" iniharap nya ako sakanya at pinunasan yung luha ko pero walang epekto yun kasi tuloy tuloy yung pagbaksak ng luha ko.

Matagal kong hinintay yung pagkakataon na ito. Halo halo na yung nararamdam ko. Naiinis ako kasi ngayon lang sya nagpakita saakin miss na miss ko na sya at gusto ko syang yakapin. Masayang masaya ako kasi nasa garap ko na yung taong mahal ko.

Niyakap nya ulit ako. Sobra ko syang namiss limang buwan ko din syang hindi nakita hindi narinig ang boses nya. Lahat lahat namiss ko sakanya. Yumakap narin ako sakanya.



Nagusap narin kami ni Dyan. Humingi sya ng second chance saakin at ibinigay ko naman. Sinabi ko naman na naiinis ako sakanya kasi nga ayun ang tagal tagal nyang magpakita at magparamdam saakin.


Nagpaalam na silang dalwa saakin. Babalik daw si Dyan bukas dito aba siguraduhin lang nya.

"ay sus! Ngiting ngiti na sya oh" pangaasar saakin ni Jj

"si Jake lang pala ang katapat" nagapir pa silang dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin.

Nalaman ko din na sakanya yung puting kotse. Akalain mo yun? Sinusundan daw nya ako nun! Gusto daw nya maging safe ako kung saan ako pupunta. 

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon